HSD #28

10.2K 300 141
                                    

THIRD PERSON'S POV

10 years ago..

Tahimik lamang na umiiyak si Leona habang nakaupo siya sa isang bench malapit sa paaralan nila at iniinda nito ang mga sugat at pasa dala ng pananakit sa kanya ng ama niya. His father Alfred forcing him to take Business Administration pero hindi iyon ang nais kunin na kurso ni Leona dahil gusto niyang maging doktor balang araw upang matulungan niyang mapagamot ang kanyang Lola Sonia na pinakamamahal niya at ang tanging nag-alaga sa kanya noong bata pa lang siya.

Sa buong 18 years na nabuhay si Leona ay puro pandidikta lang ng ama niyang si Alfred ang naririnig at sinusumbat nito sa kanya. Pinipilit siya nito sa mga bagay na ayaw niya at kapag kinontra niya ito ay palagi nalang siya nitong sinasaktan. Dahil sunud-sunuran naman ang kanyang inang si Asra sa ginagawa ng ama niya ay wala itong magawa kahit binubugbog at sinasaktan na siya nito.

Leona doesn't want to hate his father dahil kahit anong gawin niya ay ama niya pa rin ito pero masyado na itong sumosobra sa pananakit sa kanya na hindi niya na rin kinakaya. His friends told to him that he was the nicest guy in their school dahil kahit kailan ay hindi ito nagtatanim ng galit sa ibang tao o sa ama niya. Masipag rin itong mag-aral at napakagaling pa sa kahit na anong bagay.

Nakayuko lamang si Leona habang nakaupo sa isang bench at tahimik pa rin na umiiyak. Ayaw niyang umuwi sa bahay nila dahil paniguradong kapag nakita na naman siya ng ama niyang si Alfred ay sasaktan na naman siya nito.

"Kuya, okay lang po ba kayo?"

Kaagad napalingon si Leona mula sa pagkakayuko niya nang may isang batang babae na sa tingin niya ay nasa walong taong gulang pa lang at mukhang kaedad lang nito ang bunso niyang kapatid na si Zane.

Lumapit ito sa kanya nang may pag-aalala. Nakasuot ang batang babae nang uniporme at backpack at mukhang kakauwi lang nito mula sa school nila. Hindi naman niya mapigilang humanga sa angking kagandahan ng batang babaeng nasa harapan niya. Sa dami ng mga magagandang babae na nakita niya sa paaralan nila ay walang binatbat iyon sa batang babaeng nasa harapan niya ngayon.

Meron itong maitim at mahabang buhok, maganda ang mga mata nito na bilugan at may matangos rin itong ilong at perpektong kilay at labi. Maputi rin ito at napakakinis pa. Hindi niya aakalaing may ganito pa pa lang kagandang babaeng nabubuhay sa mundo. Kaagad namang bumilis ang tibok ng puso niya na hindi niya maintindihan.

Inayos ni Leona ang suot niyang face mask bago niya hinarap ang batang babae. Nagsuot siya nun para hindi siya makilala nang kahit na sino at maitago na rin ang putok niyang labi na kagagawan ng pagsuntok sa kanya ng ama niyang si Alfred.

"Ah, oo. Okay lang naman ako." Sagot ni Leona at nahihiya itong tumingin sa ibang direksyon.

Nagulat nalang siya nang biglang tumabi sa kanya ang batang babae saka nito inalis ang suot niyang backpack at ipinatong sa hita niya. May kinuha ito mula sa bag niya at isang medicine kit iyon.

"Nako kuya, ang dami mong mga sugat at pasa. Kailangan nating magamot 'yan dahil baka lumala pa 'yan. Gagamutin ko lang, okay?" Nag-aalalang sabi ng batang babae saka ito kumuha ng bulak at nilagyan ito ng betadine.

Natulala naman si Leona pagkasabi sa kanya noon ng batang babae. Sa buong buhay niya ay wala pang naging concern sa kalagayan niya bukod sa Lola Sonia niya. Kahit ang ina niyang si Asra ay pinapabayaan lang siya kahit binubugbog na siya ng ama niya. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ni Leona na hindi niya maintindihan.

"Ah eh, h-hindi na kailangan. Kaya ko naman ang sarili ko." Alanganing sabi ni Leona pero umiling lang sa kanya ang batang babae at kinuha nito ang braso niyang may mga sugat at pasa.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon