HSD #12

13.8K 428 65
                                    

EIRIE'S POV
Nang makarating na kami ni Zane sa balcony ay saka niya lang ako binitawan mula sa pagkakahawak niya ng mahigpit sa braso ko. Kitang-kita ko ngayon na galit na galit siya pero pinipigilan niya lang na huwag magwala.

I already know this side of him at ito ang iniiwasan kong mangyari. He's such a jealous and hot tempered guy so I need to control him.

"Zane..." Malungkot kong sabi.

Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko at nanatili lang siyang tahimik habang nakatanaw sa malayo.

He's mad.

"H-Hindi ko naman alam na pupunta dito sa Justin. He just visited me dahil nag-aalala siya sa akin. Ngayon lang ulit kami nagkita. Ganon naman kasi talaga siya simula nung mga bata palang kami." Sabi ko.

He shook his head. "Are you avoiding me, Eirie?" Sabi niya at lumingon ito sa akin.

"No." Mahina kong sambit.

"Then bakit hindi mo ako kinakausap simula pa kagabi? May problema ba tayo? Sawa ka na ba kaagad sa akin kaya dun kay Justin ka lumalapit? That's such a nice view kanina, huh? Magkayakap pa kayo habang ako naman ay sobra nang nag-aalala para sa'yo." Sarkastiko niyang sabi.

He misunderstood everything. Hindi niya alam na kaya ko siya iniiwasang kausapin sa ngayon ay dahil sa nalaman kong may gusto sa akin si Rafael at ayokong ipaalam iyon sa kanya dahil paniguradong magkakagulo lang. Nakikita ko rin na sobrang tindi ng pagseselos niya kay Justin kahit kaibigan ko lang ito kaya hangga't kaya kong itago kay Zane ang nalaman kong iyon kay Rafael ay gagawin ko 'wag lang mauwi sa gulo ang lahat.

"H-Hindi, Zane. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kaya hindi na kita nacontact kagabi. I'm sorry." Sabi ko nalang.

I heard his chuckle. "Sa tingin ko talaga ay may inililihim ka sa akin, Eirie pero sa ngayon ay hindi na kita pipiliting sabihin pa 'yon sa akin. But this is the last time na sasabihin ko sa'yo to, malalaman at malalaman ko rin 'yon. Isa pa, iwasan mo na ulit si Justin kundi hindi ako magdadalawang-isip na saktan siya. You don't know him. Hindi lang siya basta-basta." Mariin niyang sabi.

Sa huling sinabi ni Zane ay naguluhan naman ako doon.

"Anong hindi basta-basta si Justin? May kailangan ba akong malaman tungkol sa kanya?" Kunot-noo kong tanong.

Hindi ako sinagot ni Zane bagkus ay lumapit lang ito sa akin at hinalikan ang noo ko.

"I missed you so much, love." Malambing niyang sabi.

Kaagad namang lumambot ang puso ko sa sinabi ni Zane at niyakap siya. "I'm sorry kung nakita mo pa 'yung eksena kanina. Hindi na mauulit 'yon." Naiiyak kong tanong.

Ayoko nang mag-away pa ulit kami ni Zane. Mahal na mahal ko siya at gusto kong maging masaya lang kami sa relasyon namin. Kahit bestfriend ko man si Justin ay kailangan ko na talaga siyang layuan para sa ikabubuti ng lahat.

Hinarap naman niya ako sa kanya at nginitian ako. "Apology accepted pero sa susunod ay ayoko nang makita pa ang pagmumukha ng lalakeng 'yon habang kasama mo siya. Maliwanag ba?" Sabi niya.

Tumango nalang ako kahit medyo nalulungkot ako dahil pati ang sarili kong kaibigan ay kailangan ko nang iwasan. Maiintindihan naman siguro ni Justin ang gagawin kong 'to.

Bigla namang kumunot ang noo ni Zane nang mapansin niyang mainit ako.

"Wait, do you have a fever?" He asked. I just nodded.

"Then you need to rest. Kumain ka na ba? Uminom ng gamot or wala bang masakit sa'yo?" Sunod-sunod niyang tanong.

Ngumiti ako. "I'm fine, love. I just need to rest." Tumango ulit siya saka niya ako inalalayang makabalik ulit sa kwarto ko.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon