HSD #24

10.1K 319 121
                                    

EIRIE'S POV
Nandito ako ngayon sa condo ni Yuri at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagpunta ni Rafael sa bahay namin nang lasing habang nagwawala siya at hinahanap ako.

Habang nagkukwento ako ay kitang-kita ko sa mga mata ni Yuri ang pagpipigil niya nang galit sa mga nalaman niya.

"Yuri?" Tawag ko sa kanya dahil kanina pa siya hindi umiimik.

Bigla ay hinila niya nalang ako papalabas ng condo unit niya. Nang makapasok na kami sa elevator at bumaba na ito ay hinila niya ako ulit hanggang sa makalabas na kami ng building at nasa parking lot na kami.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Humarap naman siya sa akin. "I want to punch that bastard very hard." Gigil niyang sabi hanggang sa makarating na kami sa nakaparada niyang kotse.

Magsasalita na sana ulit ako nang nagulat ako sa taong paparating.

Si Rafael at may hawak itong baril na ikinatakot ko. Bigla naman akong itinago ni Yuri sa likuran niya nang makita niya rin si Rafael na sobrang sama ng titig sa kanya.

"I'm glad you went here. Dapat nga ay pupuntahan ka namin pero mabuti na lang pala at ikaw pa ang mismong nagpunta dito." Seryosong sabi ni Yuri na ikinatawa naman ni Rafael.

Ibang-iba na talaga si Rafael. Malayong-malayo siya sa Rafael na una kong nakilala.

"Really? Should I'll be honored na pupuntahan niyo ako ni Eirie? Well, I just went here para patayin ka!" Sigaw niya at nagulat nalang ako nang biglang itinutok ni Rafael ang hawak niyang baril kay Yuri na hindi man lang mababakasan ng takot sa mukha niya.

Gulat na gulat at nagsimula na akong kabahan sa mga mangyayari. Rafael was trying to kill Yuri. Napaiyak na ako sa kaba at takot na nararamdaman ko.

Yuri chuckled at hinawakan niya ng mahigpit ang isang kamay ko habang nasa likuran ko pa rin siya.

"You're crazy. Why are you bothering Eirie? Hindi ka niya gusto kaya bakit nagpupumilit ka pa rin sa kanya? And you think na kapag napatay mo ako ngayon ay mamahalin ka na niya? I don't think so." Sabi niya at umiling pagkatapos.

Rafael greeted his teeth at mas lalo pa niyang itinutok kay Yuri ang baril na hawak niya.

"Diyan ka naman magaling, 'di ba? Ang mang-agaw! Lahat na lang inagaw mo sa akin kaya hindi ako makakapayag na pati si Eirie ay makuha mo na rin!" Rafael shouted.

Yuri shook his head. "Rafael, wala akong inaagaw sa'yo. Noon, hindi ko kasalanang magkagusto sa akin si Christine na gusto mo pala. I don't care about her. I know that you raped her, right? Pero hindi ako nagsumbong sa pamilya niya dahil ayoko nang makisali pa sa gulo niyo."

Natigilan ako sa sinabi ni Yuri. Rafael did that? He raped the girl who likes Yuri before?

He's very horrible.

Ngumisi naman si Rafael. "I did that for my satisfaction and of course I don't have any regrets because I love her pero lintik lang! Ang akala ko pagkatapos ng ginawa ko sa kanya ay hahabulin na niya ako para panagutan siya pero hindi dahil ikaw pa rin ang mahal niya! Kung wala ka sana makukuha ko siya pero hindi, pareho kayo ni Zane, mga mang-aagaw!" Galit na sabi ni Rafael.

Hindi ako makapaniwala. Papaanong nagawa ni Rafael iyon sa isang babae? Kung mahal niya 'yung Christine na tinutukoy ni Yuri dapat ay hindi niya gagawin ang bagay na iyon. Wala siyang puso.

I sighed at ako naman ang nagsalita. Napalingon sa akin si Rafael na biglang nagliwanag ang buong mukha nang makita ako.

"How did you do that, Rafael? Napakasama mo para gawin ang bagay na iyon sa taong minahal mo." Umiiyak kong sabi.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon