HSD #26

10.3K 289 32
                                    

THIRD PERSON'S POV
Minsan talaga ay hindi rin maintindihan ni Eirie ang sarili niya dahil pumasok siya sa isang relasyon na hindi pangkaraniwan o 'weird' man sa paningin ng ibang tao.

Magkakaibigan pa ang 'napuntirya' niya at naging boyfriend na niya ang dalawa dito na ang isa sana ay pakakasalan na niya. She can't imagine to have a situation like this. Alam niyang hindi basta-basta ang mga ito at alam rin niyang hindi talaga normal ang takbo ng mga utak nila.

She was so scared of Rafael dahil may ginawa itong kahayupan noon sa naging ex-girlfriend ni Zane na may gusto pala kay Yuri. Alam niyang hindi siya titigilan ng binata dahil nakita niya kung paano ito magwala at magalit na katulad rin ni Zane.

Minahal niya si Zane at totoo iyon pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila nabago ang nararamdaman niya at ngayon ay si Yuri na bestfriend nito ang mahal niya. She knows that Zane was also a dangerous guy at naisipan pa nga nitong tangkang patayin si Yuri kahit kaibigan pa niya ito. Pareho lang ang tumatakbo sa utak nina Rafael at Zane at kailangan niya munang pakisamahan ito.

Nagpapasalamat naman siya dahil naiintindihan ni Yuri ang dahilan kung bakit siya pumayag sa polyamory set-up nila. Eirie is doing this for Yuri para sa kapakanan nito. Nakikita niya kasi na hindi sila titigilan nina Zane at Rafael hangga't hindi sila nito nakikitang magkahiwalay.

Nasa mall sila ngayon at may date silang apat. Tama kayo ng narinig, dine-date niya ang tatlong lalakeng sinalo na yata ang kagwapuhan at biyaya sa mundo. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao na nasa loob rin ng mall at halata ang pagkamangha ng mga ito sa tatlong magkakaibigan.

Hindi masisisi ni Eirie kung bakit sila pinagtitinginan. Talagang gwapo at matatangkad sila Yuri, Zane at Rafael kaya nakaw atensyon talaga sila. Hindi naman pinapansin ng mga ito ang mga taong namamangha sa kanila dahil sa kanya lang nakatuon ang atensyon ng mga ito.

Ang haba nga talaga siguro ng hair niya.

"Hey, babe, do you want to eat?" Nakangiting tanong sa kanya ni Rafael at bigla nalang siya nitong kinabig at hinapit sa bewang.

Kitang-kita naman ni Eirie kung paano tumiim ang bagang ni Yuri habang si Zane naman ay napaiwas ng tingin sa ginawa ni Rafael.

Kung hindi lang talaga alam ni Eirie na rapist itong si Rafael ay iisipin niyang sweet at normal guy lang itong kaharap niya pero hindi e, dahil alam niyang baliw at makasarili ito.

Tumango nalang siya bilang sagot dahil nagugutom na rin naman siya. Hindi sila nakapagkita ngayon ni Sarah dahil may emergency itong pinuntahan kaya baka bukas na sila makapag-usap.

"Okay then. Saan mo gustong kumain?" Nakangiti pa ring tanong ni Rafael.

Hindi maipagkakaila. Napakagwapo ni Rafael lalo na kapag ngumingiti ito. Nanghihinayang lang siya dahil nagkagusto ito sa kanya na may iba nang mahal at iyon ay si Yuri.

"Ah, anything you would prefer nalang." Sabi na lang ni Eirie.

Tumango naman si Rafael saka ito bumaling kina Yuri at Zane.

"Dalhin kaya natin si Eirie sa paborito nating kinakainan. Sa South?" Tanong nito sa mga kaibigan.

"Okay, sure." Sagot ni Zane habang si Yuri naman ay nanatili lang tahimik.

Lumabas na sila sa loob ng mall at sumakay sa kotseng dala ni Rafael. Nasa front seat siya habang si Rafael ang nasa driver seat at nasa likod naman nila sina Yuri at Zane.

"How's Tito and Tita, love?" Biglang tanong ni Zane habang pinapaandar na ni Rafael ang kotse.

Hindi pa pala alam ng mga magulang niya na nagback out na siya sa planong pagpapakasal sana niya kay Zane. Hindi niya rin alam ang magiging reaksyon ng mga ito sa oras na malaman nilang hiwalay na siya kay Zane at si Yuri na ang nobyo niya.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon