HSD #7

17.5K 519 47
                                    

EIRIE'S POV

Pagkatapos kong makausap si Zane sa phone ay humiga na ako sa kama ko at pumikit. Hindi ko alam kung normal lang ba talaga sa isang boyfriend ang magselos ng ganon katindi pero sa ipinapakita sa akin ni Zane ngayon ay unti-unti na rin akong nagkakaroon ng takot sa kanya. Pilit ko nalang munang inintindi ang behavior niya last day dahil normal lang naman siguro na magselos siya ngayong magkarelasyon na kami.

I also wish that I don't want to see Yuri again. He's very strange and I have a bad feeling about him pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ako ginugulo. I mean, he's Zane's bestfriend at dapat lang na maging masaya siya sa aming dalawa but why it looks like na ayaw niya sa akin?

Ayaw niya ba ako para sa bestfriend niya? Isa pa, nagtataka ako kung bakit nasabi niya that time na ayaw niya daw akong nakikitang halos tignan at hawakan ng mga lalakeng nakakasayaw na pala namin ni Ashley noong time na malasing ako. Is it because na ayaw niya lang na makita ako ni Zane sa ganoong kalagayan dahil baka magselos ang bestfriend niya sa mga lalakeng iyon?

Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko!

Kasama ko ngayon si Sarah at nagyaya siyang magmall kami ngayong umaga. May mga bagong labas daw kasing dresses at shoes sa H&M na paborito naming botique shop at may 50% discount pa kaya maaga niya akong binulabog sa bahay at hinatak papunta dito sa mall. Dahil mamayang hapon pa naman dadating si Zane sa bahay namin para makausap ang parents ko ay pinagbigyan ko muna ang request ng kaibigan ko.

"So, how's meeting Zane's friends? Mabait ba sila sa'yo?" Nakangiting tanong ni Sarah habang namimili siya ng sapatos sa shoe rock.

Mabait? Well, mabait naman si Rafael pero hindi ko rin siya maintindihan dahil minsan ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Nung tinanong ko siya kung may problema ba ay umiling lang ito at ngumiti sa akin. And Yuri, at first noong nakabangga ko siya sa Bookstore ay mabait naman siya sa akin at nginingitian niya pa nga ako. He's acting normally at that time and I know that his smiles and laughs are real ones when the first time I saw him.

But now, ni hindi ko man lang siya nakitang ngumiti ulit ng totoo. He's only pokered face at puro ngisi nalang ang ipinapakita niya sa akin ngayon.

Tumango nalang ako sa sinabi ni Sarah. "Yes. They are very nice to me." At ngumiti ako.

Nang makapili na siya ng shoes na bibilhin niya ay dumiretso na kami sa counter para makapagbayad na siya.

"Ano, mga gwapo ba? Mga kasing gwapo lang ba sila ni Zane?" Kinikilig pang tanong ni Sarah.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Well, yeah. They are all handsome pero syempre si Zane pa rin ang pinakagwapo sa paningin ko." Proud ko namang sabi.

Sarah rolled her eyes. "Malamang jowa mo 'yon kaya magbubuhat ka talaga ng sariling bangko para sa kanya pero kapag nakita mo lang talaga 'yung lalakeng tinitignan ka dito last 3 weeks sa mall ay-"

Hindi na natapos pa ni Sarah ang sasabihin niya nang halos napatulala na siya habang nakatingin sa likuran ko. Lumingon naman ako para tignan ang tinitignan niya at nagulat ako nang si Rafael iyon.

"Rafael?" Gulat kong tanong.

Bakas naman sa mukha niya ang gulat nang makita niya rin ako.

"Eirie? It's you." Gulat pero nakangiti naman niyang sabi.

Tumawa ako. "Yes. It's me. What are you doing here?" Tanong ko.

Ngumiti siya sa akin bago muling nagsalita. "It's my niece birthday today and I bought him a pair of shoes kaya ako nandito. How about you? What are you doing here?" Tanong niya.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon