HSD #25

10.6K 267 33
                                    

YURI'S POV

Hindi ako makapaniwala na pumayag si Eirie sa kondisyon nina Zane at Rafael. Hindi pa ba ako sapat sa kanya? Bakit kailangan pang makisali ng dalawang lalakeng iyon sa relasyon namin?

Naiintindihan ko naman kung bakit pumayag si Eirie, ayaw niya lang na masira ang pagkakaibigan namin nina Zane at Rafael at alam ko rin na sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagkagusto kami sa kanya. Wala siyang kasalanan dahil kung mayroon man na ibang sisisihin iyon ay kundi kami dahil kaming tatlong magkakaibigan ay may gusto sa kanya.

I know there's something wrong with those two guys. Alam kong hindi nila basta-basta isusuko si Eirie. Kilala ko sina Zane at Rafael at makasarili sila. Pero kung laro ang gusto nila ay ibibigay ko iyon.

I can't believe na tinawagan ko ang pinaka-kinaiinisan kong tao sa buong buhay ko. It's none other than my brother Rise. Dahil wala akong ibang makausap at wala naman akong ibang kaibigan ay siya na lang ang tinawagan ko. Hindi ko na rin alam ang iisipin at gagawin ko at sa tingin ko ay matutulungan niya ako sa problema ko.

Nagkita kami sa isang bar at naabutan niya akong nagpapakalunod sa alak. Tumabi naman siya sa akin at tinignan ako nang may pag-aalala.

"Hindi ako makapaniwalang tatawagan mo ako para lang makausap. Okay, what's the matter?" He asked.

Lumagok muna ako ng hawak kong beer bago siya sagutin.

"Eirie is now my girlfriend. Zane and Rafael attempt to kill me earlier pero hindi natuloy 'yon because those two bastards deal an offer with us. You know what the deal is? A polyamorous relationship." I chuckled and I drink again.

"Then what happened next?" Tanong naman ni Rise.

"Eirie accepted their offer. She's blaming herself dahil nagkakasira na daw ang pagkakaibigan namin nang dahil sa kanya. Hindi niya hiningi ang opinyon ko. Pumayag na lang siya ng basta!" Natatawa kong sabi at napailing nalang.

Umiling si Rise sa sinabi ko. "Okay, I get it pero paano naging kayo ni Eirie? Hindi ba't girlfriend siya ni Zane?"

"Of course, she fell in love with me because I did everything to get her attention. Hindi ako katulad mo na dinaan sa dahas ang lahat para lang makuha ang babaeng mahal mo." I smirk and mock my brother na napahinto sa sinabi ko.

I continued. "I really hate to get your opinion but what should I do? I don't want to share Eirie from anybody else even with my friends." I said frustratedly.

Nagsimula namang magbukas ng beer in can si Rise na inorder ko kanina at uminom muna ito bago magsalita.

"Well, I can't blame Eirie for doing that. Like what you said ay sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagkakagulo kayong magkakaibigan nang dahil sa kanya. She's also afraid na baka patayin ka ng tuluyan nina Zane at Rafael. For now, accept your situation pero siguro alam ko naman na ikaw ang pipiliin ni Eirie anuman ang mangyari. She loves you, right? So just trust her and understand her." Rise smiled at me and he tapped my shoulder.

Sa sinabi niya ay nakahinga ako ng maluwag pero nagdadalawang-isip pa rin ako. "Then I will share her with my fucking friends?"

Tumango naman siya. "Wala ka namang magagawa, e. Hindi naman kayo titigilan ng mga baliw mong kaibigan kaya pumayag ka muna temporarily." Sabi niya.

Natahimik naman ako. That's really hard because I only want her attention pero sa ngayon ay pagbibigyan ko muna sina Zane at Rafael. Kung anuman ang plano nila kay Eirie ay hindi ko sila hahayaan na gawin iyon. I know na malaki ang galit nila sa akin at gusto na nila akong patayin pero hinding-hindi sila magtatagumpay. Hangga't nasa tabi ako ni Eirie ay poprotektahan ko siya sa kahit na sino.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon