HSD #14

13.2K 366 56
                                    

YURI'S POV

"Saan ka nagpunta?" Dad asked me pagkapasok ko sa loob ng condo ko.

It looks like na kanina pa nila ako hinihintay nila Mom dito but I don't care. I'm not a kid anymore para bantayan at pagsabihan pa nila.

Hindi ko sinagot si Dad at lalampasan na sana siya nang bigla niya akong hinila paharap sa kanya.

"What you think are you doing, Yuri? Dapat ay tinutulungan mo na ako sa pagpapatakbo ng kompanya natin kaya nga umuwi tayo ng Pilipinas tapos sa Kuya Rise mo na naman ibibigay ang lahat ng gawain mo? Busy na nga siya sa pagtulong sa amin ng Mom mo tapos hindi ka man lang tutulong?" Singhal niya sa akin.

"Sky, tama na..." Pag-awat naman ni Mom at hinawakan sa balikat si Dad.

Napabuga nalang ako ng hangin sa inis. Pinagkukumpara na naman niya ako sa kesyo magaling at mas matalinong si Rise at ako naman ay walang kwenta at pasaway na anak.

"Bakit ba pinipilit mo ako sa isang bagay na hindi pa ako handa? I'm only 20 years old, Dad. Pwede bang kahit papaano ay maenjoy ko naman kung ano ang gusto ko? I want to be a famous race car driver-"

"Shut up! Ano bang mapapala mo sa hilig mong 'yan? Uunlad ka ba diyan? Bakit hindi mo gayahin ang kuya mo? May pamilya na siya pero natutulungan pa rin niya ako sa kompanya natin." Sigaw niya na galit na galit sa akin.

"Sky, hayaan mo na muna si Yuri sa gusto niya. Don't pressure him kung ayaw pa niya." Concern na banggit ni Mom pero umiling lang si Dad.

"I won't tolerate him, Reese. Kaya lumalaking pasaway ang batang 'yan dahil kinukunsinti mo. I'm doing this for his future at hindi pwedeng mapariwara lang siya sa walang kwentang hilig niya." Sabi ni Dad habang nakatingin ng matalim sa akin.

Napakuyom nalang ako ng kamao sa galit. Why I had a father like this? Noong bata palang ako ay palagi niya na akong kinokontra sa gusto ko at pagdating naman kay Rise ay wala siyang reklamo sa kahit anong gusto nito. Kahit nga pinilit lang ni Rise na pakasalan siya ni Ate Khleo ay hindi na tumutol dun si Dad dahil sa mas mahal at paborito niya si Rise kumpara sa akin. Si Mom naman ay walang magawa dahil hindi niya mapigilan si Dad.

Shit! Why I have a family like this? Sana noong bata palang ako ay hindi na nila ako binuhay tutal si Rise lang naman ang paborito at mahal nila.

Bago ko pa tuluyang makalimutan na ama ko siya ay lumabas na ako sa loob ng condo ko. Narinig ko pang tinawag ni Dad ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa.

Pagkapasok ko sa loob ng kotse ko ay hinampas ko ng malakas ang manibela ko.

I'm always being a shadow to my older brother and Dad can't see my efforts. Ginawa ko naman ang lahat para maging angat at maipagmalaki niya ako pero na kay Rise pa rin talaga ang lahat ng atensyon at pagmamahal niya.

"Fuck this life!" Sigaw ko kasabay ng paghawi ko ng buhok ko.

Nang unti-unti nang humupa ang galit at inis ko ay nagmaneho nalang ako papunta sa pinakamalapit na bar na makikita ko.

Pagkarating ko sa bar ay kaagad ko nang nilunod ang sarili ko sa alak para kahit papaano ay mabawasan ang galit at inis ko sa ama ko.

Wala na talagang tsansang maging masaya ako. Kahit ang babaeng pinakamamahal ko ay ayaw sa akin at kinamumuhian ako.

Napaamin na tuloy ako kay Eirie na gusto ko siya dahil nainis na ako. Hindi ko na kayang manahimik dahil kung hindi pa niya malalaman iyon ay baka maging huli na ang lahat para sa akin. Lalo na't nalaman kong may gusto si Rafael sa kanya.

About my first kiss, I'm glad that I did that to her. I still remember how soft and sweet her lip is.

Wala pa akong hinahalikang ibang babae dahil ayokong mabahiran ng dumi ang labi ko ng mga babaeng uhaw sa atensyon at pagmamahal ko pero iba si Eirie, she's so special to me at kahit na kailan ay hindi ako magsasawang halikan siya.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon