HSD #6

18.6K 576 115
                                    

ZANE'S POV

Pagkatapos ng mga nangyari kahapon ay sobra akong nagsisisi dahil nasigawan ko si Eirie nang dahil sa matinding pagseselos ko sa kanilang dalawa ni Yuri. Dapat ay hindi ko 'yon ginawa and I messed up right now dahil baka aakalain ni Eirie na isa akong baliw at selosong boyfriend.

"Arghhh!" Sigaw ko dahil sa matinding frustration.

I don't know what's on Yuri's mind pero isa lang ang nasisigurado ko, he's interested with Eirie. I can see that. I won't allow him to enter Eirie's life, Eirie is now my girlfriend and I won't let any guys touch her or see her even if it's Yuri, my bestfriend.

Binuksan ko ang kanina ko pang iniinom na beer in can at diretsong ininom iyon pagkatapos ay kinuha ko naman ang gamot ko sa loob ng bedside table ko at ininom iyon. Ilang minuto lang ay unti-unti na rin akong kumalma.

Ayoko nang bumalik sa dati. Binago ko ang sarili ko dahil ayoko nang maalala pa ang nakaraan ko. May lahing baliw ang pamilya ko pero papatunayan ko sa lahat lalong-lalo na kay Eirie na hindi ako baliw at ganoong klaseng tao.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sa akin ang nakatatandang kapatid ko na si Leona. He's 5 years older than me.

"Why are you shouting like you're a siren?" Natatawa niyang sabi at lumapit ito sa akin habang nakangisi.

I glared at him. "Bakit ka ba nangingialam? Ano bang pakialam mo kung sumigaw ako ng malakas dito sa loob ng kwarto ko?" Tiim-bagang kong sabi.

Umupo naman siya sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.

"Ngayon lang yata kita ulit nakitang magalit ng ganyan, Zane. Anong problema? Dahil ba 'to kay Eirie?" Tanong niya.

Bumuntong-hininga naman ako bago sumagot at inihilamos ang mukha ko gamit ang mga palad ko.

"Oo, kuya. Sa tingin ko ay mababaliw talaga ako ng sobra kapag nakuha pa si Eirie ng ibang lalake sa akin. Kay Eirie lang ako nagkakaganito at ikamamatay ko talaga kapag nawala siya sa akin." Nanghihina ko nang sabi.

"Sino naman ba ang umaagaw sa girlfriend mo? Bakit hindi mo nalang patahimikin? Nandyan naman si Dad para tulungan ka." Nakangising suhestiyon ni Leona.

Mariin ko namang tinitigan ang hawak kong beer. "What will I do kung interesado si Yuri sa girlfriend ko? Yuri is my bestfriend, kuya. Kahit papaano ay naging mabuting kaibigan siya sa akin pero hindi ko kayang maagaw niya sa akin si Eirie. Palagi akong talo kay Yuri pagdating sa lahat at ayokong pati si Eirie ay makuha niya rin sa akin!" Hirap na hirap kong sabi.

Umiling naman si Leona sa sinabi ko at nagbukas rin ito ng beer na may laman na nakapatong sa lamesa ko.

"Hindi ko naman kasi alam sa'yo kung bakit kinakaibigan mo pa 'yang si Yuri e, simula noong mga bata palang kayo ay palagi na niyang naaagaw ang lahat ng dapat ay sa'yo. You allowed him to do that dahil diyan sa kabaitan mo. Bakit ba hindi ka gumaya sa akin, Zane? Kapag may humaharang sa landas ko ay pinapatahimik ko sila. Hindi na maiaalis sa atin na lahi talaga tayo ng mga baliw kaya pati si Mom ay natatakot na rin sa atin including Dad na ipinilit lang siyang ipakasal sa kanya." Natatawang sabi niya.

Totoo ang sinabi ni Leona. My Dad forced our Mom to marry him dahil obsessed na ito kay Mom at ginawa nito ang lahat para lang maikasal sila. My Dad raped our Mom at si Leona ang naging bunga nun. May ibang karelasyon si Mom noon at hindi ito kasing yaman ni Dad. Sinuhulan ni Dad ang pamilya ni Mom gamit ang pera niya maikasal lang ito sa kanya. Pumayag naman ang pamilya ni Mom dahil katulad ng naging karelasyon ni Mom ay mahirap lang rin sila. Wala namang nagawa si Mom kundi pakasalan na si Dad dahil nga buntis na siya noon that time at ayaw niyang lumaki ang ipinagbubuntis niya na walang ama.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon