HSD #3

20.9K 606 136
                                    

EIRIE'S POV

Ngayon ay kasama ko dito sa loob ng bahay ang bestfriend kong si Sarah at ikinikwento niya 'yung lalakeng nahuli niyang nakatingin daw sa akin noong magpunta kami sa mall para gumala at mamasyal bilang bonding naming magkaibigan. That was 3 weeks ago.

"Sayang at hindi mo napansin 'yung guy na 'yon, Eirie. He's very handsome and hottie and I think type ka nun!" Sabi niya sa akin saka ito ngumuya ng kanina pa naming kinakain na potato chips.

Umiling naman ako sa sinabi niya and I shrugged. "Kung sinuman 'yon ay sa'yo na 'yon saka may Zane na ako, no. Sasagutin ko na nga siya." Sabi ko naman habang nakangiti.

She just rolled her eyes. "Yeah, pero kahit gwapo pa 'yung lalakeng nakatitig sa'yo sa mall ay hindi ko type 'yon. Mas type ko pa rin 'yung sexy brother mong si Eros, e!" Nangangarap na sabi ni Sarah na ikinatawa ko naman.

Obviously, Sarah really likes Kuya Eros.

"I know pero sa tingin ko ay tatandang binata na 'yang si Kuya Eros kaya hanap ka nalang ng ibang guys diyan, tutulungan pa kita." Pabiro kong sabi.

And I know that's impossible because Sarah is deeply in love with my older brother.

Umalma naman siya kaagad sa sinabi ko. "No way!"

"Hello mga kaibigan!"

Lumingon naman kami sa nagsalita at si Justin ito na isa rin sa bestfriend at kababata ko. He's looking great as ever at talagang namana niya ang features niya kay Tito Leandro na isang pure British.

Lumapit ito sa amin at tumabi. Nginitian naman namin siya.

"What's up, Just? May balak ka pa palang dumalaw dito kina Eirie, ah? Ang akala namin ay tuluyan ka nang nilamon niyang basketball mo." Sarah said while she's laughing.

Ngumiti lang naman si Justin sa kanya. "Of course, I missed both of my bestfriends kaya nagpunta ako dito para makita ko kayo." Sabi niya saka siya tumingin sa akin at kinindatan ako.

"Talaga ba? Eh alam ko namang si Eirie lang naman talaga ang namiss mo. Sus, 'wag ako, Justin!" Naiiling na sabi ni Sarah habang nakangisi.

Hindi na nagsalita si Justin sa sinabi ni Sarah at muli itong bumaling sa akin.

"How are you?" Tanong niya.

Ngumiti naman ako. "I'm fine and you?"

Sumandal ito sa couch na inuupuan namin at bigla niya akong inakbayan.

"I missed you so much. I'm very busy to our basketball practice for the competition next month so my schedule was very hectic but now, free time ko at dito ko naisipang magpunta para makita ka." Justin said while he's looking at me.

Justin was just like this. He's very caring and sweet to me since then at isa siyang napakabuting kaibigan para sa akin. I trust him so much and I know that he trust me too.

"Ehem! I have to go na muna. May pupuntahan pa pala ako. Diyan na muna kayo. Bye!" Mabilis na sabi ni Sarah habang nakangisi ng nakakaloko sa amin at kaagad na itong tumayo at naglakad papaalis not minding na tinawag ko ang pangalan niya.

I sighed hanggang sa narinig ko nalang ang mahinang pagtawa ni Justin.

"Sarah want us to spend more time together. She-"

Hindi na naituloy pa ni Justin ang sasabihin niya nang bigla naming makita sa harapan namin si Zane na nakangiti sa amin. Kaagad naman akong napatayo pagkakita sa kanya.

"You didn't tell to me na pupunta ka pala dito." Sabi ko.

Hinalikan muna niya ako sa pisngi not minding na pinapanood kami ni Justin na seryosong nakatingin sa amin.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon