Kabanata 7

155K 8.6K 5.1K
                                    


Kabanata 7

"Ang ganda ng buhok mo, Arrisea."

Sinusuklay ni Suzette ang buhok ko gamit ng mga daliri niya. Namamangha siya habang tinitingnan ang kulay ng buhok ko, makintab kasi ito at lumalabas ang natural na kulay kapag naaarawan.

"Bakit ayaw mong pahabain?" tanong ni Suzette.

"Sayang sa shampoo," sagot ko. Nakakatipid kaya ang pagkakaroon ng maikling buhok!

Binatukan naman niya ako. Agad akong napahawak sa ulo ko at bumaling sa kanya.

"Aray naman!"

"Sayang ang ganda mo kasi di mo inaalagaan! Kung nasa akin lang ang mukha mo, matagal ko na sigurong naging syota lahat ng crush ko! Sabay-sabay pa silang lahat." Ngumuso si Suzette.

Her eyes darted towards a direction. Agad niya akong pinaghahampas na para bang meron siyang nakitang hindi dapat niya nakita. Umiilag naman ako sa bawat hampas niya dahil volleyball player itong si Suzy, baka masobrahan siya at tumilapon ako.

"Bakit ba?"

"Look!"

She pointed using her lips the direction where her eyes were glued at. Umawang ang labi ko nang makita ko kung sino ang mga ito.

Tumili siya bigla at dinuro ang isang direksyon. Agad naman akong napalingon dito at nakita si Gio, Adren at isang babae na hindi masyadong pamilyar ang mukha saakin. She was wearing a high ponytail and she looks neat.

Suzy's eyes squinted at the sight.

"Hala, sino 'yon? May girlfriend ba si Gio?"

Sinipat ko ang tinutukoy niya. Mukhang matino 'yung babae kaya naman parang lugi siya kay Gio kung sakali. Maganda siya pero mukhang mataray.

The girl and Gio were laughing, nakasunod lamang sa kanila si Adren na nakangiti. He was listening to them with such a serene face. Para talaga siyang baby — baby ko. Sobrang lambot niya kasi tingnan, parang hindi makabasag pinggan.

"Crush mo oh..." mahinang sambit ni Suzy habang sinisiko ako.

No, di ko na siya crush. Wala na akong feelings sa kanya. In my mind, praktisado ko na ang sagot ko tuwing sasabihin ito sa akin. Pero sa hindi ko malaman na dahilan, hirap na hirap ang labi kong banggitin ang mga ito.

"May ibabalik lang ako saglit," tumayo ako galing sa pagkakaupo at pumunta sa direksyon nila.

"Go sis!" Suzy cheered and I just rolled my eyes at her.

Nauuna maglakad si Gio at 'yung babae na kasama nila. Mabagal kasi maglakad si Adren kaya naman nagitla ako nang bigla siyang lumingon sa akin. Naramdaman niya siguro na sinusundan ko siya.

One of his hand was on his pocket. Napatigalgal ako nang tuluyan siyang lumingon sa akin. He didn't look surprise rather he looks like he was anticipating me.

"Hi Arrisea," he greeted wryly.

Humugot ako nang malalim na hininga.

I can do this. Give him the money and just go. Ito lang din siguro ang dahilan kung bakit pati sa bahay ay siya ang naiisip ko. I have convince myself, dahil lang ito sa sukli na hindi ko pa naibabalik sa kanya.

Kinuha ko sa wallet ko ang five hundred pesos na tinabi ko upang ibalik sa kanya.

"Salamat pero hindi ako tumatanaw ng utang na loob," mariin kong sabi sa kanya at inabot ang five hundred pesos sa kanya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa pera na nasa kamay ko. A crease appeared on his forehead, he only tilted his head to the side with a look of confusion on his face.

Cost of Taste | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon