Kabanata 10

158K 8.4K 4.8K
                                    

Kabanata 10

"Feeling ko talaga crush mo ako," I chimed in. "I mean, oo medyo tagilid ugali mo pero nababago pa naman ang ugali."

A smile coated with sarcasm appeared on his lips. Sa tingin ko ay katawa-tawa ako sa paningin niya ngayon.

I realized something so I halted from my track. Gusto ko pa siyang makilala at kung sa clinic lang kami tatambay ay baka sawayin pa kami ng nurse na naka-duty ngayon. I cleared my throat to get his attention.

"Rooftop na lang tayo. Makiki-tsismis pa 'yung mga nurse sa clinic," saad ko sa kanya.

Tumitig lang siya sa akin nang ilang segundo, he even lifted one of his eyebrows.

"What makes you think I would want to stay with you?" tanong niya.

I shrugged and confidently smiled at him. "Bakit ka naman kakabahan? Are you threatened that you'll have to eat your words that you don't like me?"

I saw how his mouth slackened, plastering a disbelief expression on his angelic face. Agad siyang umiling at tumalikod sa akin.

I initially thought he would back out. Pangit nga naman kung makikita na kasama niya ang isang tulad ko na halos kilala dahil sa mga gulong nasangkutan. Laking gulat ko nang lumingon muli siya at bumuntong hininga.

"I'll get the first aid, you can go there and I'll follow."

Hindi na niya muli pinakita ang ekspresyon niya at pumunta sa mismong clinic.

I smirked and mentally praise every saints that I could thank for! Pinakalma ko ang sarili ko bago tumango sa kanya at nauna na sa rooftop kung saan niya ako dinala noon.

Sumunod nga siya habang may bitbit na first aid box, he looked at my position and frowned upon noticing I sat down on the ground.

"What?" I shot up a brow. "Ang arte mo naman! Alikabok lang 'yan!"

Hinila ko siya upang makaupo rin siya sa tabi ko. He look so annoyed but for some reason I was happy to see this side of him. Ayoko na puro pekeng ngiti lang ang nakikita ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng cold compressed para ilagay sa pisngi ko. He was tending the scratches I got from Bhena's friends. Dahan-dahan ang bawat pagdapo ng bulak na may betadine sa mga kalmot ni Bhena sa akin.

"Sanay na sanay ka sa paggamot, ha?" I said, upon observing that he knows how to treat the wounds well.

Hindi siya umimik. Patuloy lamang sa paglagay ng gamot sa akin. The way his fingers touch my skin creates a sensation I never felt before.

"Talent mo ba ito? You could be a doctor," puna ko sa kanya nang makita na sobrang linis niya sa paglagay ng gamot sa mga sugat ko.

"I took ABM, malayo sa medical field ang strand ko para maging doctor." His cold response made me stiffened. Na-offend na naman ba siya?

"So? Senior highschool ka pa lang naman. Meron nga sa college, nags-shift pa dahil doon lang nila natagpuan 'yung passion nila," katwiran ko sa kanya.

I know strands are supposed to be college preparatory. Dagdag dalawang taon upang mapagisipan mo kung ito ba talaga ang gusto mong tahakin na landas. Maswerte ang mga taong may plano na sa buhay at alam na agad kung ano ang gusto nila sa kinabukasan nila. Yet, not everyone has the privilege to choose the life and career that they want to have.

"It destroys the purpose of the strands then or the whole K-12 curriculum rather," he shrugged it off like it was nothing. I felt offended, para kasing sinabi niya na bawal na magbago ang sistemang itinayo nila.

Cost of Taste | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon