Prologue

726 29 6
                                    

Ang istorya'ng ito ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao na nagkabungguan sa unang araw ng pasukan. O di kaya ng dalawang tao na pinilit lamang magpa kasal dahil sa negosyo. Hindi din ito tungkol sa pagtataksil ng isang lalaki sa kanyang asawa.

Bagkus, ito ay tungkol sa kung paano ba tayo lalaban sa tuwing kailangan nating lumaban.

Ang istorya na ito ay hindi kasing perpekto tulad ng ibang libro na may happy ending.

Sapagkat, ito ay tungkol sa kung paano ba mag survive sa napaka tinding pagsubok na ating kahaharapin sa ating buhay.

Tulad na lang ni Wendy Agoncillio.

Si Wendy ay isang simpleng babae, ngunit napaka daming kinaha- harap na pag subok sa buhay. Pero nalalampasan naman nya, dahil sa kanyang katatagan at katapangan.

Isa na dito ang pagha-hanap-buhay para sa kanyang pamilya, kasabay ng kanyang pagaaral. Binubuhay nya ang kanyang dalawang nakaba-batang kapatid at ang kanyang ina.

Dahil simula ng pumanaw ang kanilang ama, bilang panganay na anak ay sya na ang tumayong 'haligi ng tahanan'.

Lahat ng trabahong legal at kaya nyang gawin ay papasukan nya. At sa pag harap nya sa mga pag subok sa kanyang buhay. Marami syang matutklasan.

Mga bagay na magpapa-bago ng kanyang buhay...

Mga bagay na maaring maging dahilan ng pag suko nya sa buhay...

Mga bagay na magbibigay sa kanya ng napaka tinding sakit...

Mga bagay na napaka hirap labanan...

Ngunit kayang kaya nya namang lampasan. Para sa mga taong umaasa at nagmamahal sa kanya.

-------------------------

Warning: This is just a work of fiction. Names, characters, businesses, places events and incidents are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental. Read at your own risk.

“Plagiarism is a crime”

©All rights reserved. Yeyequeee.

Until the EndOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz