Chapter 27: Graduation Day

70 13 7
                                    


-------------------------

Wendy's POV

Four years have passed at araw na ng graduation ni Carl, ngayon. Sobrang daming tao sa gym ng university nila na ginawang venue para sa graduation day nila.

"Our Suma Cumlaude for this school year. Carl Eros Natividad!" announce nung teacher na na sa stage bago nag lakad pataas ng stage si Carl, habang nakasuot ng kulay itim na toga. "A round of applause, everyone!" dugtong pa nya at mas lalong lumakas ang naririnig kong palakpakan.

Binigay naman sa kanya ang mic para sa speech nya. "Good morning my co-students, parents and teachers." panimulang bati nya. "I honestly don't really know what to tell..." kamot batok nyang saad na ikina-tawa ng mga tao. "Okey, I'll just thank my professors. For teaching me lessons, not just about some school stuffs, but also life lessons. And I just wanted you to know, how thankful I am to be your most handsome student. And to my family, thank you for supporting me. Thank you for giving me a very comfortable life, and for working hard just for my studies. And for my friends, I still can't believe that we all graduated!" mahaba nyang lintaya.

"Syempre naman!"

"Ako din, di ko in-expect."

"G*go. Ano akala mo, ikaw lang makaka graduate?"

"Matalino din kaya kami. Di lang halata."

"Pinag bigyan lang kita, bro. Ako talaga dapat Suma Cumlaude."

Narinig kong mga sigaw na alam kong galing sa mga kaibigan nya na naka upo. Napailing na lamang ako dahil sa kakulitan ng mga ito.

Natawa naman ng mahina si Carl bago magpatuloy sa pagsasalita. "At syempre, sa pinakamagandang babae na nandito. My fiancé." sabi nya sabay tingin sa akin na may malawak na ngiti. "Thank you for coming into my life. You're one of my inspirations. I love you, love." naghiyawan naman ang mga kaibigan nya at tinukso pa sya bago sya bumaba ng stage.

Ng matapos na ang ceremony ay hinawakan ko ng mahigpit ang hawak kong bouquet of flowers para kay Carl. Natanaw ko naman sya na naglalakad papunta sa amin.

"Congratulations, son!" masayang sambit ni Tita Clarisse-mommy ni Carl-habang nakayakap sa kanya.

"Thanks, Mom." sabi ni Carl sabay halik sa pisngi ni Tita Clarisse. Cinongratulate din naman sya ng daddy nya na si Tito Ethan at ni Mama bago sya makalapit sa akin.

"Congrats!" nakangiti kong saad habang nakataas ang kamay na may hawak na bulaklak.

"Thank you, love." sambit nya bago ako halikan sa noo.

"Ang gwapo mo dyan sa toga mo." puna ko. Kinindatan nya naman ako at nag pogi sign pa.

"You're also beautiful,-as usual-Love." pambobola nya.

"Pwedeng mamaya na kayong dalawa mag lambingan dyan? Nilalanggam na kasi kami dito, eh. Mag picture muna tayo." biro ni Mama. Nakita ko namang napatawa si Tita Clarisse at nag apir pa sila.

Habang nagp-picture kami, ay nagsilapitan sa amin yung mga kaibigan nya para i-congratulate sya.

"Ganda ng fvcking speech mo, ah!"

"Grabe ka talaga. Akala mo ba talaga ikaw ang pinakagwapo sa atin? Huh! Ako kaya!"

"Hoy huwag nga kayong magulo dyan."

"Hi, Wendy!"

"Napakagulo nyo! Umalis na nga lang kayo." naiiritang sambit ni Carl. Natatawa naman akong pinanood ang paguusap or pagbabawalan nila.

Until the EndWhere stories live. Discover now