Chapter 22: Past

83 12 15
                                    

A/N: Wendy and Carl's past for this chapter!

-------------------------

Wendy's POV

Matapos kong sabihin sa pamilya ko ang tungkol sa sakit ko ay naging magaan na din ang pakiramdam ko. Alam ko kasing wala na akong tinatago sa kanila. Maliban pala sa nangyari sa amin ni Carl.

“Huwag mong kakalimutang uminom ng gamot, ha?!” tumango na lamang ako kay Mama dahil ilang beses na nyang sinabi sa akin ang mga salitang yan.

“Opo.” sa ilang linggo ding nakalipas ay hindi nakakalimutan ni Mama na bilinan ako sa paginom ko daw ng mga gamot. Todo din ang pagalaga nya sa akin lalo na kapag nagsusuka ako o di kaya kapag nakakaramdam ako ng hilo. At nung nalaman nya din na may sakit na ako, ay pinatigil na nya ako sa pagt-trabaho at sinabing sya na daw ang bahalang mag trabaho para sa amin. “Sige na po. Papasok na po ako, Mama.” nag mano muna ako bago humalik sa pisngi niya atsaka umalis.

Habang papunta ako sa school, ay naalala ko na naman yung huli naming paguusap ni Carl. Wala na ba talaga kaming pag-asa? Hindi na ba kami magc-come back? Charot. Alam ko na naman na hindi na posibleng mangyari yun.

Pero, wala namang masama kung aasa ako diba? Ako din naman ang masasaktan.

Pagdating ko sa tapat ng school ay mas naging mabagal na ang paghakbang ko. Tinatamad kasi akong pumasok ngayon, eh. Pero syempre, hindi naman ako pwedeng um-absent dahil may hinahabol pa akong grades. Kailangan ko pang mas mag focus ngayon. Dahil kapag nanatiling mababa ang makukuha kong grade this finals, baka hindi ako makatanggap ng scholarship para sa pagc-college ko.

Kaya pagpasok ko ng classroom ay imbes na makipagdaldalan kay Grace. Mas pinili ko na lang magbasa ng mga naging lessons namin. “Ang aga mo naman yatang mag review para sa finals, Bess.” sabi ni Grace.

“Anong maaga? Next next week na kaya ang finals. Atsaka marami pa nga daw kasing ipapa-requirements ang mga teachers natin para sa clearance. Kaya ngayon pa lang nagr-review na ako. Baka kasi mawalan ako ng time.” mahabang lintaya ko. “Mag review ka na din kaya. Tapos tutulungan kita sa mga lessons na hindi mo masyadong maintindihan.”

“Sige na nga. Kahit kailan talaga, napaka good student mo.” naiiling nyang sambit.

“Ano ba ang gusto mong unahin natin?” tanong ko sa kanya habang kumukuha ng iba pang notebook sa bag ko.

“Math na agad. Ayan lang naman ang pinaka hindi ko ma-gets, eh. Atsaka pala, History tapos Science.”

“So? Math na lang muna?” paninigurado ko. Tumango naman sya kaya kinuha ko na ang math notebook ko at mga scratch papers para sa mga solutions. Ng maintindihan na nya ang math ay nagtungo naman kami sa science at sumunod ang history.

Tapos na kaming mag review nang dumating ang first subject teacher namin na si Ma'am Szertesa. Nagbigay lang naman sya ng listahan ng mga dapat naming review-hin for the upcoming finals. Ganun din naman ang ginawa ng mga teachers na pumasok sa room namin. Nag bigay lang din sila ng pointers to review at mga requirements para mapirmahan ang mga clearance namin.

Napakabilis talaga ng oras dahil, dalawang subject na lang at uwian na namin. At habang hinihintay ko ang susunod naming teacher ay sumubsob na lang muna ako sa desk ko dahil naalala ko na naman yung mga thoughts na nalipad sa utak ko kanina habang nagk-klase.

Ang weird lang kasi bigla-bigla na lang bumabalik sa memory ko yung nangyari sa amin ni Carl, a year ago...

“Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa akin yung totoo, Carl?!” tanong ko habang nangingilid ang mga luha. Lumapit naman sya sa akin para yakapin ako pero lumayo lang ako sa kanya.

Until the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon