Chapter 5: Thank you

123 17 13
                                    


-------------------------

Wendy's POV

“Bess ayos ka lang?” tumingin naman ako sa katabi kong si Grace bago bumuntong hininga. “Alam mo kung ako sayo, papayag ako sa deal ni Carl.” inirapan ko lang sya at sa hindi mabilang na pagkakataon ay sinabi ko na naman ang mga salitang...

“Hindi nga sabi deal yun. Atsaka paano ba magiging deal yun eh wala din naman akong makukuhang benefit doon!”

Kinakabahan ako. Isang linggo na kasi ang nakalipas simula nung paguusap namin ni Carl. At hanggang ngayon ay wala pa din akong idea kung papayag ba ako. “Bakit nga kasi ayaw mong pumayag? Imposible naman kasing ang rason mo lang is; wala naman kasi akong benefits na makukuha doon. Kasi pwede mo naman sabihin yun sa ex mong gwapo diba? So tell me Bess, ano bang kinapuputok ng butsi mo?” Hindi ko alam kung nung mga panahon bang nagpa-ulan ng kadaldalan ay isa ang kaibigan ko sa naglaro at nagtampisaw sa ulan. Ang daming na salo ehh.

Ako naman ay napa yuko dahil sa sinabi ni Grace. Narinig ko naman ang malalim na pag buntong hininga nya. “Are you scared na baka masaktan ka ulit? O natatakot ka dahil until now, may feelings ka pa din sa kanya?” mahinang saad nya pero sapat na para marinig ko.

Her words hit me. Parang totoo yung mga sinabi nya. “No. Maybe. I guess...” naguguluhan kong sagot. “Ugh! I don't know.” medyo magulo pa sa akin. Ako mismo ay hindi alam kung anong isasagot sa mga ganyang klaseng tanong.

“Bahala ka nga dyan.” Sabi nya sabay tayo.

“Hoy! Saan ka pupunta? Iiwan mo ko dito?” inirapan nya naman ako at tumakbo. At dahil tumakbo sya edi tatakbo din ako. Naghahabulan lang kami sa hall way hanggang sa may narinig kaming malakas na nag pito.

Sabay kaming tumigil ni Grace sa pagtakbo at tinignan kung sino ba yung pumito. At nanlaki ang mata namin ng kaibigan ko nung makitang si Mr. Fernandez na naka halukipkip at seryosong nakatingin sa amin. “Alam nyo ba na tumatakbo kayong dalawa na parang elementary student dito sa hallway?!” yumuko lang kami ni Grace. “According to our school hand book, running—” nagulat ako ng bigla akong hinila ni Grace at tumakbo.

Rinig na rinig naman ang sigaw ni Mr. Fernandez kaya mas lalo naming binilasan ang pagtakbo. Hinihingal kaming tumigil sa tapat ng school cafeteria. “Bili muna tayo...ng...tubig.” hingal na sabi ko tumango naman sya bilang tugon. “Bakit ba kasi tayo tumakbo? Sigurado akong galit na galit na yun si Mr. Fernandez.”

“Pagsasabihan lang naman tayo nun eh, hayaan mo na sya. Hahaha.” umiling na lang ako at uminom ulit ng tubig. Sobrang nanuyo yung lalauman ko dahil sa pag takbo namin eh.

“Bakit nga pala tayo tumatakbo kanina?” takang tanong ko kay Grace. Kumunot naman ang noo nya at tumingala.

“Oo nga noh. Bakit nga pala tayo naghahabulan kanina?” sabay kaming natawa dahil doon. “May trabaho ka pa pala diba?” tumango ako at sabay na kaming lumabas ng School.

Habang naglalakad kami ay tumunog ang cellphone ko. May tumatawag pero hindi naka register yung number sa cellphone ko. Sino naman kaya toh? Hindi ko na lang pinansin dahil baka wrong number lang. Pero patuloy pa din sya sa pag tawag. Narindi na ako kaya sinagot ko na lang din yung tawag. “Hello?”

Sungit naman.” tipid na sagot ng kung sino sa telepono.

“Sino ba—” Hindi pa ako tapos mag salita ng matanaw ko si Carl na nakaway sa akin. Nakatayo sya sa gate ng school at napaka laki ng ngiti. Agad naman kaming lumapit ni Grace doon. “A-anong ginagawa mo dito?”

“Sinusundo ka.” sagot nya kaya napataas na lamang ang kaliwa kong kilay. “Siguro naman nakapag isip ka na ng isasagot sa alok ko.” shoot. Oo nga pala! Nalibang kasi ako sa pag takas kanina kaya na wala sa isip ko.

Until the EndWhere stories live. Discover now