Chapter 18: Successful Plan

84 14 8
                                    


-------------------------

Wendy's POV

Days have passed at nakalabas na din si Mama sa ospital. Pagka uwi namin kanina ay dumeretso lamang si Mama sa kwarto nya at nagkulong. Ilang araw na din syang walang imik at kung minsan ay wala na ding gana kumain.

“Taas na din po muna kami, Ate.” Sabi ni Daniel at hinila ang kakambal nya pataas.

Huminga na lang ako ng malalim at nagtungo na sa kusina para makapag luto ng pananghalian namin. Nagh-hain na ako ng bigla akong nakarinig ng sigaw. “Bess?! Yohoo!” nagpunta naman ako sa pinanggalingan ng boses na yun at nakita ko si Grace na na sa may Sala namin.

“Grace...” pagtawag ko sa kanya. Lumapit naman sya sa akin at yumakap. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pumasok?” tanong ko sa kanya.

“Obvious ba?” mataray na sambit nya. Inirapan ko naman sya at bumalik na lamang sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa doon.

“Ano namang trip mo sa buhay at hindi ka pumasok, ha?” sermon ko sa kanya habang nakapamewang.

“Eh, kasi naman ilang araw ka ng hindi pumapasok. Tapos nung tinext mo ako kagabi na lalabas na ng ospital si Tita ngayong araw. Naisip ko na huwag na lang pumasok. Atsaka ng dala din ako ng cake!” napailing na lang ako atsaka wala na din naman akong magagawa.

“Sige na. Tawagin mo na lang yung kambal sa taas.” utos ko sa kanya.

“Tatawagin ko na din si Tita.”

“Huwag na.” pigil ko sa kanya. “Dadalhan ko na lang sya ng pagkain. Hindi din naman yun bababa eh.” tumango na lamang sya at tumaas na para tawagin sila Daniel at Dylan. Ako naman ay inayos na ang dadalhin na pagkain para kay Mama.

Ng hinatidan ko ng pagkain si Mama sa kwarto nya ay naabutan ko lamang syang natutulog kaya bumaba na lang ako at sumabay na mananghalian kila Grace at sa kambal.

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay nagpaalam ulit ang dalawa na maglalaro na daw sila sa taas. Hinayaan ko na lamang sila at kami naman ni Grace ay naglinis ng mga pinagkainan naming apat.

“Bess...” narinig kong bulong ni Grace na na sa gilid ko.

“Oh?”

“Tara sa labas.” pagyaya nya sa akin. Tinapos ko na muna ang paghuhugas ng pinggan bago kami nagtungo ni Grace sa labas ng bahay.

“May problema ba?” tanong ko ng makalabas na kami. Sinulyapan nya naman ako at umiling.

“Ikaw ang may problema, Wendy. Napaka laking problema.”

“Oo nga noh.” biro ko kaya nakatanggap ako ng mahinang hampas mula sa kanya.

“Ano ba! Seryoso tayo dapat ngayon eh.” naiinis na saad nya.

Bumuntong hininga naman ako at humarap sa kanya. “Bess, sa tingin mo ba makaka survive pa ako?”

“Oo naman. Alam kong kakayanin mo yan.”

“Pero sabi ng doktor, limang taon na ang pinakamatagal na taon na pwede akong mabuhay.” tinignan nya naman ako at niyakap.

“Hindi naman ang doktor ang magsasabi kung kailan ka mawawala. Malay mo bigyan ka pa ng Chance ni Papa Jesus, diba!”

“Basta, kung sakaling mawala na lang ako bigla—” hindi pa man ako tapos mag salita ng bigla na akong paghahampasin ni Grace.

“Ayan ka na naman sa mga ganyan-ganyan mo!” naiiyak na sambit nya. Natawa naman ako at niyakap na lang ulit sya tsaka pinagpatuloy ang sinasabi ko kanina.

Until the EndOnde histórias criam vida. Descubra agora