Chapter 11: Visit

83 13 18
                                    


-------------------------

Wendy's POV

Para akong buntis. Halos uma-umaga akong nagsusuka. Kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ay sobra na ang ipinayat ko. Nagaalala na nga sa akin sila Mama at Grace eh.

Sa tuwing tinatanong nila kung may sakit daw ba ako ang tangi ko lang sinasagot ay; Wala. Nagd-diet lang talaga ako kaya ako pumayat.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din sinasabi kahit kanino ang tungkol sa sakit ko. Ayaw ko kasing maging pabigat at mag mukhang mahina.

Flinush ko na muna ang bowl at nagmumog na ako bago lumabas ng banyo. "Ang tagal mong mag cr ate! Mal-late na po kami sa school eh!" naiinis na sabi ni Daniel. Mukhang kanina pa sya na sa labas.

"S-sorry." mahina kong saad bago bumalik sa kwarto ko at nag bihis na dahil baka pati ako ay ma late na sa school. Bago pa man ako lumabas ng kwarto ko ay nag lagay muna ako ng kaunting liptint sa labi para hindi mahalata ang pagiging maputla ko. Hindi naman talaga ako nagl-liptint kaya lang ay baka mag hinala na sila Grace kapag makita ang pagiging maputla ko.

Pagpasok ko sa room ay napaka gulong mga tao ang nadatnan ko. Usap dito, usap doon. Tawa dito, tawa doon. May nakita din akong mga magjowa na sobrang sweet. Eww.

Umupo na lang ako sa pwesto ko. Wala pa si Grace kaya nagpahalumbaba na lang muna ako at hinintay na dumating sya. Habang nakatulala ay biglang bumalik sa isip ko yung sinabi ni Dra. San Juan sa akin nung last check up ko.

"Most people who are diagnosed with AML are still alive or can live for about 5 years after their diagnosis. But you can still live longer than 5 years, Miss Agoncillio. Just be strong and always pray. You will survive."

Ayan yung sinabi nya. Halos isang buwan na din agad ang nakalipas ng malaman ko ang tungkol sa sakit ko. At anim na araw naman simula nung last check up ko. Hindi pa din ako nags-simulang mag chemotherapy dahil pangbili lang ng mga gamot ang meron ako. Masyado kasing mahal ang pagki-chemotherapy eh. At halos isang buwan na din akong nagsisinungaling kila Mama.

Hindi kasi ako makahanap ng tamang tyempo. Hindi ko din alam kung kaya ko bang sabihin sa kanila yung tungkol sa sakit ko. Natatakot ako. Na baka maging pabigat at alagain lang ako.

Pinatigil na din ako ni doktora na mag trabaho ng mag trabaho, dahil isa daw ito sa mga reasons kung bakit nad-diagnose sa sakit na leukemia ang isang tao. Fatigue o ang sobrang mapagod.

"Good morning Bess!" bati ni Grace pagpasok nya ng room. Ngumiti naman ako at binati sya. "Mukhang napapadalas na yang paglalagay mo ng liptint ah. Siguro nagpapaganda ka kay Carl! Yieeee." mapanuksong saad nya

"Yuck!" nakangiwi kong sabi.

"Nako, kunwari ka pa. Kaya ka siguro nagpapa-payat para dyan sa bulok mong boyfriend!"

"Dati gwapo ngayon naman bulok? Ano ba talaga?" natatawa kong sabi. Inirapan nya na lang ako at umupo na dahil dumating na yung teacher namin.

Mabilis namang natapos ang klase namin sa umaga. Lunch na at papunta na sana kami ni Grace sa canteen ng may tumawag sa amin-sa akin lang pala. "Wendy! Wendy!" tumalikod naman ako at natanaw ko ang isa sa mga kaklase ko na tumatakbo papunta sa akin.

"Ano yun? May kailangan ka ba?" umiling naman sya habang hinihingal.

"M-may naghahanap s-sayo. Sabi d-daw pumunta ka s-sa may school p-park. Huuu napagod ako sa pagtakbo!" sabi nya. Kumunot naman ang noo ko at tinanong sya kung sino yung naghahanap sa akin. "Hindi ko kilala eh. Basta daw pumunta ka dun. Wag ka daw pabagal bagal. Una na ako ha! Byeee!" umalis na sya at kami naman ni Grace ay nagtataka na pumunta sa school park.

Until the EndWhere stories live. Discover now