Chapter 14: Feelings

91 15 16
                                    

A/N: Four Chapters for today!!! Hope you're enjoying reading my story~

-------------------------

Wendy's POV

"Kailangan mo nga'ng kumain ng maraming marami, Bess!" pagpilit ni Grace sa akin.

"Ayoko talaga. Hindi masarap yang ampalaya na yan! Iba na lang, please?" Sabi ko. Hindi kasi ako kumakain ng ampalaya pero itong kasama ko ay kanina pa ako pinipilit na kainin yun.

"Hindi pwede! Nabasa ko sa Google na maganda daw ang Ampalaya para sa katawan. Kaya kumain ka nito!" pagpupumilit nya. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng gulay na ibenta sa canteen eh, ampalaya pa ang nagiisang gulay na na sa menu nila nila.

"Maganda pala sa katawan edi ikaw ang kumain!" naiinis na sambit ko. Napa face palm na lang sya habang umiiling. Matagal nya din akong pinilit sa gusto nya at sa huli ay ako ang natalo.

Hindi na lang ako huminga habang kumakain para hindi ko malasahan yung pait. "Very Good!" para naman akong bata nung sinabi nya yun. Buti na lang at naka pwesto kami sa may bandang gilid sa canteen. Dahil masyadong agaw eksena tong kasama ko. "Kamusta naman pala kayo ni Carl?" napataas naman ang isa kong kilay dahil sa tanong nya.

"Ewan." kibit balikat na sagot ko.

"Akala ko ba may mission kayong ginagawa. Bakit parang wala naman yata. Hindi pa nga kayo nagkikita nung Eunice eh." inirapan ko na lang sya at pinagtuonan ng pansin ang kinakain ko. "... Ay, hindi pala. Nakita mo na nga pala yung Eunice diba? Yung sa ba-" sa sobrang irita ko ay basta ko na lang sinubo sa bibig nya yung nakita kong tissue sa lamesa.

"Ingay mo po." niluwa naman nya yung tissue at nandidiring pinunasan ng panyo yung bibig nya. Pagkatapos nyang punasan yung bibig nya ay naiinis nya akong binalingan ng tingin.

"Nakakadiri ka naman eh!" Sabi nya. Natawa na lang ako at nag sorry sa kanya, dahil sa ginawa ko. "Nag text pala sa akin si Dra. San Juan kagabi, Bess." nagtataka ko naman syang tinignan.

"Ano naman ang sinabi nya?" tanong ko.

"Hindi daw sya makakapasok bukas. Pero may in-assign naman daw sya na nurse para sa chemo mo para bukas." tumango naman ako bilang sagot.

Nag simula na din kasi akong magpa-chemotherapy dahil kay Grace. Tinutulungan nya kasi ako sa mga bills. Minsan naghahati kami. Pero madalas sya ang nagbabayad ng pang chemo ko. Tapos ako naman ang bahala sa gamot ko. Sobrang laking tulong nun sa akin dahil mas nadagdagan ang mga gastusin namin. Lalo na sa pang check up ko at ni Mama. At syempre yung sa pagpapagamot ko din.

Ng matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa room namin. Feeling ko sobrang bagal ng oras dahil sa sobrang boring ng lessons. Nakakatamad makinig! Pagkatapos ng mga klase sa hapon ay syempre, ang isa sa pinaka hinihintay ng mga estudyante... Ang Uwian! Uwian na namin.

"Tara sumabay ka na sa akin. Hatid ka na namin pa uwi sa inyo." alok ni Grace ng makarating kami sa tapat ng kotse nila. Umiling naman ako at tumanggi sa alok nya dahil naalala ko yung tinext sa akin ni Carl kaninang umaga.

"Hindi na, Bess. Magkikita kami ni Carl ngayon eh." sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa labi nya at mapanuya akong tinignan. "Hindi kami magd-date noh!" pagtanggi ko kahit na wala naman syang sinasabi.

"Bakit, Sinabi ko bang magd-date kayo? Napaka defensive mo naman ineng!" natatawa nyang sabi. Inirapan ko na lang sya at umalis na. "Bye, Bess! Love yah!" narinig kong sigaw nya. Tumalikod naman ako at kumaway sa kanya. Naghintay naman ako ng Jeep sa may gilid ng kalsada.

Until the EndWhere stories live. Discover now