Chapter 29: Wedding

108 11 29
                                    


-------------------------

Wendy's POV

"You look so pretty, hija." naluluhang saad ni Tita Clarisse na na sa tabi ko.

"S-Syempre. Nagmana sa a-akin, eh." umiiyak na sambit ni Mama atsaka yumakap sa akin.

"Oo nga. Ang ganda mo, Bess. Hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal ka na." bakas ang tuwa sa boses ni Grace na na sa likod ko. Ngumiti naman ako sa salamin na na sa harapan ko at ginantihan nya naman iyon ng isang napakalawak na ngiti.

Tumunog naman ang cellphone ni Tita Clarisse at sinabing kailangan na daw naming pumunta sa simbahan. Inalalayan naman nila akong maglakad papunta sa kalesa na maghahatid sa akin sa simbahan. Kulay puti ang kalesa na may mga gold na linings. Nakasuot naman ng barong si Kuya Mark-na maghahatid sa akin papuntang simbahan. Kulay puti din ang kabayo na na sa harapan ng kalesa at may kulay gold na lead.

Inalalayan naman nila, Mama, akong makasakay bago sila pumasok sa kotse na gagamitin nila papuntang simbahan.

Sa mahigit isang buwan na preparasyon ng kasal namin ni Carl, ay uma-umaga akong sumusubok na maglakad. Medyo nakayanan ko naman ngunit kailangan ko pa din ng aalalay sa akin. Dahil minsan ay natutumba pa ako at nawawalan ng balanse. Siguro naman, hindi na ako matutumba sa araw ng kasal ko. Well, sana.

Pagdating namin sa harap ng simbahan ay maingat akong bumaba at nagtungo sa may pinto. Nakita ko naman sila Dylan at Daniel na papunta sa direksyon ko.

"Wow, ate! Para kang prinsesa. "

"Ang ganda mo po, ate!"

Sabay na pagpuri nila sa akin. Napaka gwapo din naman nila pareho sa suot nilang barong habang hawak-hawak ang isang maliit na puting unan. Sila kasi ang ring bearer ngayon.

Narinig ko naman ang pagsisimula ng kanta, hudyat na simula na ng kasal, na mas ikina-kaba ko pa lalo.

"Relax, anak." nakangiting sambit ni Mama sabay hawak sa braso ko. Na una na namang maglakad papasok sila Tita Clarisse at Tito Ethan, pati na din si Grace-ang brides maid ko.

Kami na lamang ni Mama ang na sa labas ng simbahan. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang bumukas ng dahan-dahan ang malaking pinto.

Mabagal naman kaming naglakad ni Mama habang hawak ko sa pareho kong kamay ang bouquet of white tulips. Sa sobrang dami ng tao na nandito ngayon, ay na sa isang tao lamang nakatuon ang atensyon ko. Sa pinakagwapong lalaki na nakilala ko. Sa lalaking nagparamdam sa akin na napaka espesyal ko. Sa lalaking alam kong mamahalin ako at mamahalin ko habang buhay. At ang lalaking yun ay walang iba kundi, ang lalaking papakasalan ko ngayon, si Carl.

Nakita ko namang lumandas ang mga luha sa mata nya habang hinihintay akong makarating sa kanya. Malapit na akong makalapit sa kaya pinunasan ko na ang mga luha sa aking pisngi.

"You look so perfect, love." bulong nya ng tuluyan na akong makarating sa harapan nya. Humawak naman ako sa braso nya bago kami maingat na naglakad papunta sa altar.

Nginitian ko naman ang pari na magkakasal sa amin pagkadating namin sa harapan nya.

Bago pa man sya magsimula sa seremonya ay tinanong nya muna kung may tututol pa sa kasalan namin. Wala namang sumagot sa kanya, kaya nagpatuloy na lang si father.

"Good morning and welcome! We are gathered here today to celebrate and to witness the joining of Wendy Agoncillio and Carl Eros Natividad, in marriage. As they promise to love, trust in that love, honor one another as individuals, and anticipate with joy spending the rest of their lives together. They are surrounded by you-their friends and family. Thank you for gathering here to witness their marriage and to share in the joy of this special occasion." mahabang paninimula ni father.

Until the EndWhere stories live. Discover now