Chapter 3: Flowers

162 21 20
                                    


-------------------------

Wendy's POV

“Hala Bess, anong sagot mo dun sa number 20 dun sa test 2?” medyo malakas na tanong sa akin ni Grace habang naglalakad kami palabas ng school. Tinignan ko naman sya bago ko sinagot yung tanong nya.

“Letter D.” maikli kong sagot. Napatigil naman sya sa paglalakad kaya pati tuloy ako ay tumigil na din sa paglakad. “Bakit? Ikaw? Ano bang sagot mo?” this time, ako naman ang nag tanong sa kanya. Lumukot naman lalo ang mukha nya.

“Edi A! Bakit kasi ang hirap ng exam eh!” pagmamaktol niya. May ibang estudyante na napapatingin na sa amin dahil sa kaingayan nitong kasama ko. Kanina pa din kasi sya tanong ng tanong ng mga sinagot ko daw sa exam. “Bagsak na naman ako panigurado nito. At lagot ako kay Dad. Nubayan!” Salita lang sya ng salita habang kumakain kami ng street foods. Ako naman ay nakikinig lang.

“Nag aral naman tayo ah? Ni-review pa nga kita kaninang umaga ah. Nakalimutan mo na agad yun?”

“Ehh, maski na! Kasi naman ang damot damot kasi ni Cedric kanina eh! Nanghihingi lang naman ako ng konting sagot, tapos tinakot ba naman ako. Sabi isusumbong nya daw ako kay Sir. Apaka epsi!” napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nya.

Ng may naalala ako ay tinignan ko ang oras sa cellphone ko at tumingin kay Grace. “Bess, una na pala ako.” tinanong nya naman ako kung saan daw ako pupunta. “Magsisimula yung trabaho ko ng mga ala-una eh. Baka pagalitan ako ng boss ko.” Half day lang kasi kami ngayon sa school dahil exam kaya pwede akong mag trabaho ng tanghali.

“Saan ka naman nagwo-work ngayon Bess?” tanong nya sa akin habang kumakain ng kikiam.

“Sa flower shop. Yung sa gilid nung park malapit sa Mall.” tumango naman sya.

“Teka, may bago kang trabaho? Parang napaka dami mo naman yatang pinapasukan ngayon ah.” pag puna nya sa akin.

“Kailangan kasi. Lalo na at malapit na tayong mag college.”

“Scholar ka naman ah.”

“Wala na nga akong problema sa tuition pero syempre may mga projects pa at kung ano anong eme eme ang school. Kaya kailangan ko pang mag trabaho.”

“Papahiramin na lang kita ng pera. Para hindi ka na mapagod kaka trabaho mo! Atsaka may exam pa ulit tayo bukas. Kailangan mo din mag review.”

“Madalas akong mag aral habang nagta-trabaho, remember?” pagpapaalala ko sa kanya. Tumango naman sya at napabuntong hininga. “Salamat na lang din sa offer mo. Pero kasi, masyado na akong madaming utang sayo. Hindi ko na alam kung paano ko pa babayadan yung mga yun.”

“Edi bayadan mo ko kapag may malaking sweldo ka na at kapag mayaman ka na. Hindi mo naman kailangan mag bayad agad eh.” napangiti naman ako dahil sa pagiging concerned ng kaibigan ko sa akin. Nag thank you lang ako sa kanya bago mag paalam na aalis na. “Bye Bess! Ingat ka ha, I love you!” Sabi nya sabay hug sa akin.

“Sige. Bye din. Ingat ka din, Love you too!” Sabi ko naman with flying kiss pa. Haha.

Sumakay na akong Jeep papunta sa may flower shop na pagt-trabaho-han ko ngayon. “Manong sa tabi na lang ho!” pag para ko ng Jeep. Tumigil naman ito at pagbaba ko ay na sa tapat na ako kaagad ng flower shop.

Lily's of the Valley

That's the name of the shop. May pagka malaki din ang shop at punong puno ito ng mga bulaklak. ‘Syempre, kaya nga flower shop eh.’ pumasok na lang ako sa loob. Ang mga bulaklak na nandito sa shop ay Daisy, Rose, Iris, Orchid, Sunflower, Buttercup, Lily, Camellia at marami pang iba.

Until the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon