03

554 34 11
                                    

Andreas's POV

Maaga akong nagising ngayon. Ngayon kasi ang unang araw na may pagaaralan na talaga kami. Kahapon kasi ay nagpakilala lang kami, meeting sa may gymnasium at mass sa Chapel. Pagkatapos ko magcellphone ay tumayo na ako sa aking higaan.


Papunta na sana ako sa banyo kaso nakita ko ang kadorm ko na naka twalya lang. Nagulat ako dahil hindi ko expect na may abs ito. Iniwasan kong tignan ang katawan nito ngunit traydor ang aking mga mata. Mas nakadagdag pa ito ng hotness nang tumulo ang tubig mula sa basa niyang buhok, papunta sa dibdib, pababa sa abs.


"Good morning. Baka naman matunaw abs ko sa titig mo." Napabalik naman ako sa ulirat ng kausapin ako nito.


"Makapal din mukha mo eh noh? Napatingin ako sa pusod mo. Ang dumi kasi. Suntukin kita dyan eh." Mataray na sagot ko dito. Nakita ko naman na napatingin toh sa pusod niya. Pumasok na ako sa banyo at naligo na.


Pumasok na ako sa klase ko at agad ko naman nakita si Romeo. Nginitian ko lang ito at ngumiti ito pabalik sa akin. Nakikinig lang kami sa prof namin. Walang pumapasok sa utak ko dahil sa katabi ko. Aaminin ko hanggang ngayon gusto ko parin siya. Gusto ko rin siya laging nakikita at kasama.


Habang nagsasalita ang prof namin ay nakita ko si Paul sa may pintuan namin. Tinignan ko lang ito at nagtataka kung bakit nandito toh. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at inakto niya.


"Gutom na ako. Kain tayo pink canteen 12:30! Ang malate manlilibre." Paul mouthed.


Nag text naman ako sa gc namin nila Paul para sabihin na magkita kita sa pink canteen. Sakto naman natapos ang klase namin. Si Paul ay nasa canteen habang si Celine ay papunta palang. Si Lucas ay may klase pa hanggang 12:15 habang si Emma ay hanggang 1 pa.


Naawa naman ako kay Emma dahil baka wala na itong kasama kumain mamaya. Naisipan ko naman na iexcuse na lamang ito sa prof niya. habang naglalakd ako papunta sa classroom nito ay nakita ko naman si William na papuntang pink canteen. Hindi ko alam pero inis na inis talaga ako sa letcheng yan.


Nang makarating na ako sa classroom ni Emma ay nakita ko naman ang ngiti sa labi nito. Marami rin nagsasabi kung bakit hindi nalang siya ang ligawan ko. Lagi ko nalang sinasabi na hindi pechay ang hanap ko kungdi hotdog. Pwede naman kasi talaga kaso syempre iniisp ko yung friendship namin.


"Ma'am Cortez! Excuse po sana si Emma. May emergency lang po eh. Kailangan na kailangan ko lang po talaga." Nakangiti kong sabi kay Ma'am Cortez.


"Andi... my favorite student. Ofcourse you can. Go Ms. Padilla. Your excuse." Napangiti naman si Emma at kinuha na ang gamit niya.


"Thank you, Andi sipsip sa teacher." Biro ni Emma sa akin.


"Gusto mo bang ibalik kita sa classroom mo? Para hindi mo kami kasamang kumain." Napanguso naman ito sa sinabi ko. Inakbayan ko naman siya at kinuha ang gamit niya.


"Tara na nga. Kain na tayo." Ani ni Emma.


Nakarating naman kami sa canteen. Makita namin na nakaupo si Celine, Pau, at ang kakarating lang na si Lucas. Binigyan lang nila na malisyosong tingin si Andreas na nakaakbay kay Celine. nakita ko naman kadorm ko na dumaan at umupo sa lamesa na asa harap nila. Inirapan ko lang ito at umupo na sa gitna ni Celine at Emma.


Napansin naman agad ng barkada ang inasta ni Andi.


"Hoy napano ka?" Ani ni Paul at hinampas ang balikat ni Andi.


"Kita ko kadorm ko. Asa harap yung tingin ng tingin dito. nababadtrip ako. Nagiinit ulo ko dyan eh. Puro yabang lang naman. Mahangin pa. Minsan gusto ko nalang suntukin sa mukha yan eh." Natawa naman ang barkado nito sa inasta ni Andi.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now