17

534 34 11
                                    

Habang nagmamaneho si William ay tinitignan tignan niya ang katabi niya. Medyo malakas ang ulan ngayon kaya naman nakatingin lang si Andreas sa may bintana.


"You okay?" Tanong ni William dito. Tinignan naman ni Andreas ito at nginitian.


"Yes. Focus, William." Natatawang sambit ni Andreas.


Habang hawak ni William ang manibela ay binaba niya ang isang kamay niya. Napansin niya ang kamay ni Andreas na nakapatong sa legs nito. Dahan dahan niyang inilapit ang kamay niya. Napatingin naman ni Andreas dito at napangiti.


Iniwasan ni Andreas tignan si William dahil sa kilig na kilig ito. Napangiti naman si William ng hinawakan ni Andreas pabalik ang kamay nito.


"Okay lang ba?" Tanong ni William sakanya.


"I don't mind." Sagot ni Andreas dito.


Unang pumunta ang dalawa sa may Camera shop malapit sa may Edsa. Bumili silang dalawa ng bagong camera. Pagkatapos nila bumili ay pinicturan agad ni William si Andreas.


"William! Nakakahiya." Natatawang sambit ni Andreas. Patuloy parin itong pinipicturan ni William.


"Ganda kasi eh." Ani ni William. Napatigil naman si Andreas sa kakatawa.


"Tara na nga! Sa may train tayo." Ani ni Andreas.


Hinawakan ni Andreas ang kamay ni William at tumakbo papunta sa may train. Biglang bumagal ang mundo ni William habang tumatakbo sila. Kinuhaan lang niya ito ng litrato. Tanging ngiti lang ni Andreas ang nagpapatigil sakanila. Wala ng pakealam si William sa paligid niya.


"Were here! Picture tayo?" Tanong ni Andreas dito.



Tumango naman si William at kumuha ng maraming litrato na magkasama silang dalawa. Hinalikan ni Andreas ang pisnge ni William sabay pindot ng camera. Ganun din naman ang ginawa ni William kay Andreas. Ang iba nilang litrato ay puro naka wacky.


"Saan tayo next?" Tanong ni Andreas dito.


"Sakay tayo. Tapos sa unang stop ng train baba tayo tapos balik tayo ulit dito. Punta pa tayo sa lubao eh." Ani ni William dito.


"Kakapagod naman yan." Nakasimangot na sambit ni Andreas.


"Pero masaya. Tara!" Ani ni William. Hinawakan niya ang kamay ni Andreas at sumakay na sa train.


Habang nasa train sila ay nakaupo si Andreas habang si William ay nakatayo. May nakitang matandang babae si Andreas na nakatayo.


"Nay, dito na po kayo." Pagaalok ni Andreas dito.


"Salamat, nak." Ano nung matanda.


Tumayo na si Andreas at pinaupo ang matanda. Natuwa naman si William sa nakita niya. Ngayon ay pinapunta ni William si Andreas sa harap niya at niyakap sa likod. Ang braso niya ay nasa leeg ni Andreas at ang kamay ni Andreas ay nakawahak sa braso ni William.


"Pagod ka na?" Tanong ni William dito. Napansin niya kasi na nakapikit na ang mata nito.


"Hayaan mo lang ako na sumandal sayo." Nakapikit na sagot ni Andreas. Ngumiti si Andreas at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni William.


"Sure." Nakangiting sagot ni William. Hinalikan niya naman ang ulo ni Andreas na kanyang ikinatuwa.


"Tulog ka nalang sa car." Ani ni William. Tumango naman si Andreas.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now