19

594 37 28
                                    

"Tangina ang sakit ng katawan ko." Ani ni Andreas na kakagising lang. Tinignan niya ang cellphone niya at nakitang 4am na.


"Hep hep hep! Bawal tumayo. Kain ka na muna dito." Ani ni William na kakarating lang. May hawak siyang tray ng pagkain at napangiti naman si Andreas dito.


"Good morning." Malambing na sambit ni Andreas. Hinalikan naman ni William ito sa labi.


"Rough pa kasi ang gusto eh. Yan tuloy." Malungkot na sambit ni William.


"Arte mo parang di mo gusto." Mataray na sagot ni Andreas.


"Bilisan na natin may pasok pa tayo. Kain ka na dyan maliligo na ako." Ani ni William. Tumango naman si Andreas at kumain na ng niluto ni William.


Maya maya lang ay natapos na maligo si William at si Andreas naman ang pumunta sa banyo. Napangiti naman si William ng makita ang magulo niyang kama at ang nakakalat na damit nila.


Nagligpit muna si William habang naliligo si Andreas. Pagkatapos maligo ni Andreas nakita niya si William na nakatingin sa harap ng art na ginawa nila.


"Ano yan?" Ani ni Andreas at niyakap niya si William sa likod.


"Wala naman. I'm just happy." Malambing na sambit ni William.


"Tara na?" Tanong ni Andreas dito dahil malalate na sila sa kanilang pasok.


"Wait." Ani ni William.


Nagtaka naman si Andreas kung bakit pumunta si William sa maduduming damit nila. Kinuha ni William ang camera at ang panty at brief niya. Nilagay niya ito sa harap ng art at pinicturan.


"Puro ka talaga kalokohan." Natatawang sambit ni Andreas.


Hinila naman ni William si Andreas papalapit sakanya at hinalikan sa labi. Pinicturan niya ito habang nasa harap sila ng art. Ang ibang picture nila ay nakalabas ang dila.


Nang napansin nila ang oras ay agad silang bumaba dahil late na sila. Nagpaalam na sila sa nanay ni William. Masaya naman ang nanay ni William na nakilala niya si Andreas.


Habang nasa kotse sila ay natulog lang si Andreas dito habang hawak ang kamay ni William. Napapangiti naman bigla si William sa tuwing naaalala niya ang ginawa nila ni Andreas.


Buti nalang at panggabi ang pasok nilang dalawa ngayon. Nang makarating sila sa Baguio ay agad silang dumiretso sa dorm nila upang magpalit ng damit nila. Pagkatapos nila magpalit ay pumunta sila sa Canteen para kitain ang mga kaibigan nila.


"Oh anyare sayo? Bakit ganyan ka maglakad?" Agad na tanong ni Celine.


"Nagslide ako kahapon ang sakit ng balakang ko." Palusot ni Andreas.


"Gumaganda si Andreas ngayon ah? Ano yan? Asg?" Pangaasar ni Lucas dito.


"Asg?" Tanong naman ni Andreas.


"After sex glow." Natatawang sambit ni Lucas. Binato nama ni Andreas ang libro niya kay Lucas.


"Gago!" Naiinis na sambit ni Andreas.


"Omg? Kaya pala you walk like that." Nagulat na sambit ni Emma.


"Para kayong gago." Sambit ni Andreas.


Habang nagkwekwentuhan sila ay nagulat sila ng makita si Angel. Hindi nalang kumibo si Andreas at kinuha nalang ang libro niya at nagkunwareng nagbabasa.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now