26

552 34 19
                                    

"Stay"


Tumigil ako ng ilang minuto. Nanatili ako sa yakap ni William. Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang yakap nito. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang nasabi ang —


"I love you."


Naramdaman ko na humiwalay siya sa akin. Nakatalikod parin ako sakanya. Napakagat ako sa labi ko at nagsimulang lumakad papalayo. Bumilang ako sa ulo ko at umasa na pipigilan niya ako. Dahil pagkaalis ko dito at hindi niya ako pinigilan, wala na.


Isa. Isang beses ko lang sinabi pero bakit parang mali? Bakit parang mabigat. Bakit parang masakit? Dalawa. Dalawang beses nating ginawa. Dalawang beses natin inangkin ang isa't isa. Ang tanga, Andi. Tatlo...


"Andi!"


Sigaw mo sa akin. Pagkatingin ko sayo ay tumatakbo ka papalit sa akin. Pagkarating mo sa harap ko ay lumuhod ka habang umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo. Masyadong magulo ang utak ko.


William's POV
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sakanya habang lumalakad papalayo. Tatlong salita pero napatigil niya ako. Tinawag ko ang pangalan nito at tumakbo papalapit sakanya.


Sorry, Andreas pero hindi ko maitatanggap ang pagmamahal mo. Napaluhod ako sa harap nito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa unang pagkakataon ipinakita ko sakanya na mahina ako.


"Tumayo ka nga William."


"Andreas mahal kita. Patawarin moko pero hindi ko pwedeng tanggapin yung pagmamahal mo. I'm sorry. Kailangan ko gawin ang responsibilidad ko. Kailangan ko magpakalalaki para sa magiging anak ko."


Naramdaman ko naman na umupo si Andreas sa harap ko. Buti nalang gabi na at madilim, walang taong nanunuod sa paligid namin. Hinawakn ni Andreas ang baba ko at inangat. Pagkatingin ko sakanya ay nadurog ang puso ko.


Kahit na lumuluha ito ay nginitian ako nito. Sinungaling ang mga ngiti niya pero ang mata niya hindi.


"Kahit kasinungalingan pa yan ay paniniwalaan ko basta nanggaling sa bibig mo."


Pinunas ko ang luha sa mga mata nito. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko itong umiiyak ngunit mas masakit ngayon dahil ako ang dahilan ng pagluha niya.


"Kung pwede lang, Andi. Kung may choice lang ako."


"Lagi kang may Choice, pero hindi ako kasama dun."


Ani ni Andreas sa akin. Patuloy parin ang pagtulo ng luha nito. Naririnig ko na nanginginig ang boses nito. Niyakap ko siya ng mahigpit ngunit hindi siya yumakap pabalik.


"and God forbid William but it should be us. It should be us."


Nanginginig na sambit ni Andreas. Bigla naman itong umiyak ng malakas at tumutulo na ang sipon. Mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.


"I don't want to risk you Andreas."


"Tahan na, Andi. Lagi mong tatandaan na kahit hindi naging tayo. Para sa akin ikaw lang ang taong minahal ko ng tapat at lubos. At kahit wala pa ang anak ko dito ay pinapasalamatan na kita dahil kung hindi sayo hindi siya magkakaroon ng buong pamilya."


Biglang humina ang pagiyak nito. Nanatili kami sa ganung posisyon. Dahan dahan kong hinaplos ang ulo nito. Ayaw ko munang bumitaw baka kasi ito na ang huling araw na mayakap ko siya.


"Huwag ka magalala ipapakilala kita sakanya. Sasabihin ko sakanya na nung bata pa ako, may nakilala akong napakaganda at napakabait na tao. Sasabihin ko na bukod sakanya ay siya lang ang minahal ko."


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now