05

580 33 33
                                    

"Wala na ba bisita mo?" Agad na bungad ni William kay Andi.


"Wala na. Required ba na mag dabog ng ganun sa bisita? Hindi naman ako ganyan sayo ha?" Napabuntong hininga na lamang si William.


"If bumagsak ako sa test ko bukas. Malalagot ka sa akin." Madiin na sagot ni William.


"Kung babagsak ka, babagsak ka. Huwag mo isisi sa akin kung bakit ka babagsak. Kung nagaral ka sana ng mabu-" Naputol naman ang sinasabi ni Andi dahil sumagot si William.


"Magaaral naman sana ako ng mabuti kung hindi kayo ganun kaingay. Makakapagfocus sana ako ng mas maayos." Ani ni William. Tinignan lang ito ni Andi ng masama.


"Now you know what i feel." Mahinahong sambit ni Andi.


"Wala na magdadala ng kahit sino dito sa dorm. Pwera lang sa mga kaibigan. I said what i said." Ani ni William sabay tanggal ng t-shirt.


"Okay." Nakapikit na sambit ni Andreas dahil walang damit si William.


"Arte nito ayaw pa tignan abs ko." Mayabang na ani ni William sabay higa sa may kama niya.


Pinatay ni Andreas ang ilaw upang makatulog na silang dalawa. Pagkaakyat niya sa kama niya ay may ngiti na gumihit sa labi niya. Masaya ito dahil nangyare ang gusto niyang mangyare. Finally, makakapagfocus na siya sa pag-aaral niya.


— Kinabukasan —



Maaga nagising si William ngayon dahil may test pa sila. He was confident na papasa siya. Nakita naman niya na mahimbing na natutulog si Andreas. Hindi niya na ginising ito dahil baka pagod siya. Pagkatapos niya mag ayos ay umalis na siya.


Pagkagising ni Andi ay tinignan niya ang kanyang oras. Nakita niya na late na siyang nagising. Dali dali naman siyang tumayo at naligo. After 10 mins ay natapos na siya at tumakbo papunta sa klase niya.


"Sorry Ma'am Canlas." Nahihiyang sabi ni Andreas.


"Out." Matipid na sagot ng Prof nito. Nakita naman ni Romeo ito.


Kinuha ni Romeo ang bag niya at lumabas ng classroom. Nagtataka naman si Andi kung bakit sumama ito sakanya. Nginitian lang ito ni Romeo at hinawakan ang kamay ni Andreas. Hindi naman alam ni Andi ang gagawin niya. Para siyang kinakabahan, nahihiya na kinikilig.


"Samahan na kita. Patapos na rin naman klase ni Ma'am Canlas. Gusto mo ba mag pink canteen?" Tumango naman si Andreas.


Habang naglalakad sila ni Romeo ay napadaan sila sa classroom nila William. Nakita ni Andi na sumasagot si William ng test at mukhang nakafocus ito sa pinagaaralan niya. Pagkalagpas nila Andi sa classroom ni William ay napatingala ito.


Nakita niya kung paano hawakan ni Romeo ang kamay ni Andreas. Huminga na lamang ito ng malalim. He can no longer see the test paper. Tanging ang hawak kamay lang ni Andi at Rome ang nasa utak niya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya.


3 months palang silang magkadorm ni Andreas. This is not love. He  doesn't believe in love. Ang alam lang ni William si Angel parin ang mahal niya, his ex. Eversince na iniwan ito ni Angel ay hindi na ito naniwala sa pag-ibig.


"10 minutes left!" Sigaw ng prof nila William. Biglang natauhan si William at tinuloy ang pagsasagot nito.


"Putangina." Bulong ni William sa sarili.


Pagkatapos ng test nila ay naisipan na nilang pumunta sa may Canteen. Kinakabahan si William dahil hindi niya alam kung pasado ba siya o hindi para sa prelims. Sila kasi ang unang nag exam at bukas ay sila Andreas na. 2 araw ang test nila.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now