11

566 38 14
                                    

"Arte arte pa kanian. Makikipaglandian lang pala." Ani ni Andreas habang naglalakad.


"Hey! Andreas!" Sigaw nang lalaki sa likod niya.


"Romeo? Bakit wala ka pa sa loob?" Tanong naman ni Andreas dito.


"Nakita kasi kitang umalis eh, kaya sinundan nalang kita." Nakangiting sagot nito.


"Pasok na tayo?" Tanong nito. Tumango naman si Andreas.


Hinawakan naman ni Romeo ang kamay nito ay pumasok na sa loob ng court. Nakita naman ni William ito. Inakbayan niya bigla si Jean. Minsan ay bumubulong si William sa tenga nito. Inis na inis naman si Andreas sa nakikita niya.


"Okay ka lang." Tanong ni Romeo dito.


"Yes. Lapag ko lang gamit ko ha?" Tumango naman si Romeo sa sinabi ni Andreas.


Maya maya lang ay nagumpisa na ang training nila. Unang naglaro ang mga basketball players. Habang naglalaro sila ay hindi maiwasan ni Andreas na tignan si William.


"Go baby!" Sigaw ni Jean.


Umirap naman si Andreas. Tinignan niya si Jean na nagccheer para kay William. Nakita ni Andreas na kumindat si William dito.


"Romeo! You can do it." Sigaw naman ni Andreas. Nagflying kiss naman si Romeo dito at kinindatan ni Andreas ito.


"Musta na girl?" Tanong nila Celine na kakarating lang.


"Sino sinusupportahan mo? Si Romeo or Pere-" Naputol naman ang sasabihin ni Emma.


"Romeo." Mahinang bulong ni Andreas. Tinignan naman nila ng nakakaloko si Andreas.


"What?" Tanong ni Andreas sa mga kaibigan niya.


"Ah basta! Kay Perez ako." Ani ni Paul.


"Ako din. Kay Perez ako. Go baby William!" Sigaw ni Lucas. Nakuha naman niya ang pansin ni William at nginitian lang ito.


"Five minutes break!" Sigaw nung coach nila.


Nanalo ang grupo ni Romeo sa unang quarter. Inis na inis naman si William nang binigayan ni Andreas si Romeo ng tubig. Tinignan lang niya ang dalawa na masayang nagkwekwentuhan.


"Tsk." Ani ni William.


"Hey. Uminom ka muna ng tubig, baby." Ani ni Jean at binigyan ng tubig ito.


Tinignan lang ni Andreas ito. Napailing naman siya at binalik ang tingin kay Romeo. Napansin naman ni Emma ito.


"Do you like William?" Bulong nito kay Andreas.


"Hindi ko." Madiin na sagot ni Andreas.


"Come on, Andi! Nakikita ko sayo. You like him." Bulong ulit ni Emma.


"I do. Pwede na ba tayo manahimik? Baka makahalata sila oh." Sagot ni Andreas.


"Hoy! Magjowang hilaw. Ano binubulong niyo sa isa't isa?" Tanong ni Lucas.


"Gago ka talaga, Lucas Navarro." Ani ni Emma dito.


Noon kasi ang akala nila straight si Andreas. Si Emma ang naging kaclose talaga nito. Sa sobrang close nila ay nahulog ang loob ni Emma kay Andreas. Nung mga oras na gustong umamin ni Emma ay nalaman niya na hindi pala babae ang gusto nito.


"Balik na ako, Andi. Thank you." Ani ni Romeo at tinuloy na ang laro.


Nanalo naman ang team nila Romeo. Makikita ang inis sa mukha ni William nang makitang yakapin ni Andreas si Romeo. May laro daw ngayon sila Andi ngunit inabot ng gabi ang laro nila Romeo at William.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now