10

583 30 38
                                    

Ngayon makikita ni William at Andreas ang kanilang grades kung pasado ba sila. Kinakabahan si Andreas habang hinihintay ang resulta. Kasama nila ang buong barkada.


"Tangina! Pasado ako." Masayang sambit ni William. Nauna nilang nakita ang grades nila dahil una silang nag exam.


"Congrats." Matipid na sambit ni Andreas dahil siya ay kinakabahan.


"Nakita mo na ba pangalan mo?" Tanong ni William.


"Hindi ko pa eh." Kinakabahan na sagot ni Andreas.


Nararamdaman niya ang kaba sa buong katawan niya. Hindi niya maiwasan na mag overthink. Pag bumagsak ito mawawala ang scholarship niya.


Maya maya lang ay may babaeng pumunta sa board upang ilagay ang mga resulta. Madami ang pumunta sa board kaya hindi muna nakipagsabayan si Andreas.


"Shit." Bulong ni Andreas.


Mas lalo itong kinabahan nang makita niyang umiiyak ang iba. Napahawak ito sa kanyang dibdib. Nakita naman ni William ito kaya dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ni Andreas.


"Kaya mo yan." Bulong ni William sa kanya.


Hindi naman nakita ng mgakaibigan nila na nakahawak kamay ang dalawa dahil nakatuon sa iba ang pansin nila.


Pagkatapos tumingin nung iba ay si Andreas na. Binitawan ni William ang kamay nito ngunit hindi ito umalis sa tabi ni Andreas.


"Viceral, Viceral, Viceral." Ani niya habang hinahanap ang pangalan niya.


Nanlaki ang mata nito. Napakunot naman ng noo si William dahil parang nanigas ito. Hindi gumalaw si Andreas ng ilang minuto.


"Hoy! Andi! Okay ka lang ba?" Tanong ni William.


"Okay lang yan. Bawi ka nalang next sem." Ani ni William at hinila na si Andreas na gulat na gulat parin.


"What's the result?" Tanong ni Celine.


"Brad? Okay ka lang?" Tanong ni Lucas.


"Munchie? Andito ka pa ba?" Tanong ni Emman.


"Ahem!" Bigla naman bumalik si Andreas sa Ulirat.


"Pasado ako." Bulong ni Andreas pero hindi ito narinig nung iba.


"Pasado ako!" Sigaw niya.


Naghiyawan naman ang mga kaibigan niya. Niyakap siya agad ni William sa tuwa. Agad din itong napabitaw nang tuksukin sila ng mga kaibigan nila.


"Sorry." Nakangiting sagot ni William. Nginitian lang ni Andreas ito.


"Oh Andreas! Manlibre ka naman ng sisig ni Aling Lucing pati Alak." Ani ni Paul.


"Buraot! Sige na nga." Ani ni Andreas.


Mas natuwa naman ang mgakaibigan niya. Habang naglalakad sila ay hindi maiwasan isipin ni Andreas ang yakap at hawak ni William sakanya.


Nang makarating sila sa Sisig ni Aling Lucing ay agad sila nagorder. Nagorder din sila ng Pulang kabayo at San Mig para sa mga babae.


"Aling Lucing! Sarap talaga ng sisig niyo." Ani ni Andreas.


"Bolero ka talaga, Andreas. Pakakain niyo ha?" Nakangiting sagot nito.


"Sarap talaga!" Mahinang sigaw ni William.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now