21

557 33 43
                                    

"Ano?" Nagulat na tanong ni William.


Dahan dahan siyang umalis sa pagkayakap ni Andreas. Namumula ang mata ni Andreas halatang galing lang sa matinding pagiyak. Lumabas si William sa banyo at umupo sa kama niya at napayuko naman ito.


"Let's stop this." Nanginginig na sambit ni Andreas. Lumuhod siya sa harap ni William. Iniwasan ni William ang mga tingin ni Andreas.


"Huwag mo akong papatayin, William. Parang awa mo na." Naluluhang sambit ni Andreas.


"Hindi ko kaya. Pag tumagal pa toh baka mas lalo lang ako masaktan." Hinawakan niya ang tuhod ni William. Malakas ang tibok ng puso ni Andreas konti nalang ay sasabog na ito.


"Bakit?" Nagtatakang tanong ni William.


"William, magkaibi—" Napatigil naman ang sasabihin ni Andreas. Napatayo naman si William sa sinabi nito.


"No, Andi. Don't tell me na magkaibigan lang tayo. Andreas, hindi ginagawa ng magkaibigan toh. Hindi tayo magkaibigan lang." Nangigigil na sagot ni William.


"Huwag mo na akong pahirapan please." Mahinang sambit ni Andreas.


"Andi! Kung hindi mo kaya mas hindi ko. Please, i'm begging you. Andreas stay. Stay. Hindi ko kakayanin na mabaliw ulit. Hindi ko kakayanin na mawala ka!" Sigaw ni William.


Napasabunot ito sa kanyang sarili. Makikita mo ang mga luha sa kanyang mga mata. Para siyang isang batang iniiwan ng kanyang magulang at nagmamakaawa na huwag siyang iwan.


"Please." Mahinang sambit ni William. Ngayon lang siya nagmakaawa ng ganito. Makikita mo ang sakit sa mukha nito.


"William kaya mo. Kakayanin mo." Ani ni Andreas. Napaupo naman si Andreas sa kama at napatakip ito sa kanyang mukha.


"Bakit? Give me a good reason! Tangina! Pareho tayong nandito sa kung ano mang putanginang relasyon natin, Andi! Bakit ikaw lang ang nag dedesisyon?" Naiinis na sambit ni William. Lumalabas na ang ugat nito sa leeg.


Hindi na kayang tiisin ni Andi. Nararamdaman niya na gusto na niyang sumabog. Naghintay ito ng 3 segundo bago magsalita ngunit napuno lang ito.


"Kasi hindi naman ako! Okay? Hindi naman ako ang pipiliin mo!" Napatayo si Andreas at lumapit kay William. Dinuduro ni Andreas ang kayang puso habang unti unti ng lumalabas ang luha sa mga mata nito.


"William, hindi ako ang mahal mo. Kasi kung mahal mo ako dapat sapat na ako. Dapat wala ng Angel. Dapat ako lang. Don't take me for granted. William! Malungkot ka lang." Naghalo ang sakit at galit sa puso ni Andreas.


Nagtinginan lang ang dalawa. Napapikit mg madiin si William sa kanyang mata at umupo sa sahig. Pakiramdam niya ay natalo siya sa laban. Kinagat ni Andreas ang kanyang labi at tumingala para pigilan ang pagtulo ng luha niya.


"Hindi ako papayag." Mahinang sambit ni William.


Napatingin naman si Andreas kay William. Gustong gusto na niyang murahin ito. Hindi pwedeng dalawa ang pipiliin ni William kaya nagdesisyon na si Andreas upang hindi na mahirapan ito.


"William, pakawalan mo na ako." Malamig na sambit ni Andreas.


Pareho na silang napagod. Pareho silang napagod sa isa't isa. Wala ng lakas si William para makipagtalo kay Andres. Wala ng lakas si Andreas para ipaglaban ang pagmamahalan nila.


"Andreas. Simula nung nakilala kita I prayed and asked God to give me more time with you. I wanted more time with you. Baka tama nga sila. Hindi lahat ibibigay sayo ng Diyos. Huwag mo rin kakalimutan na tayo ang gumagawa ng desisyon sa buhay natin. Sana hindi ka magsisi. Kasi ako kahit ayaw mo na, gusto ko parin." Nakatulalang sagot ni William.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now