20

493 34 36
                                    

"Asaan na yun?" Nagising si William na wala sa tabi si Andreas.


Tumayo siya upang hanapin ito. Pumunta siya ng banyo pero wala rin siya dito. Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone at nakitang 5:38 am palang. Lumabas siya ng kanilang dorm at nakita niya itong may kasamang lalaki.


"Baka may makakita sa atin." Bulong ni Andreas sa kasama niya.


Kinusot ni William ang kanyang mata dahil hindi niya makita ang kasama ni Andreas. Lumapit pa siya ng konti ngunit nanlaki ang mata nito ng makitang may kahalikan si Andreas.


"Romeo." Mahinang ungol ni Andreas ngunit sapat lang na marinig ni William.


"Putangina!" Tinulak ni William si Romeo at sinuntok ang mukha nito.


"William!" Sigaw ni Andreas at pinuntahan si Romeo na nasa sahig. Tinignan lang ni William ang dalawa at umalis ng umiiyak.


"William! William! Hoy! Binabangungot ka." Paggising ni Andreas dito.


"Andreas!" Agad na sigaw ni William at niyakap ang katabi nito.


Hindi alam ni William na binabangungot lang pala siya. Akala niyang totoo ang nakita niya. Pinagpapawisan siya sa buong katawan niya at niyakap niyang mahigpit si Andreas. Dahan dahan naman inayos ni Andreas ang nakagulong buhok ni William. Hinahaplos niya rin ang likod nito.


"Akala ko nawala ka na." Takot na takot na sambit ni William.


"Akala ko naman kung napano ka na." Mahinang sambit ni Andreas. Hinalikan niya ang noo ni William upang kumalma ito.


***


Habang nagkaklase sila ay hindi mawala sa isip ni William ang panaginip niya. Sinusubukan niyang kalimutan pero hindi siya makapakali.


"Okay ka lang ba bro?" Tanong ni Dos dito. Napahimalos naman si William sa mukha niya at umiling.


"Napano ka?" Tanong din ni Emman.


"Muntik na ako mabangungot. Tangina nanaginip ako. Naghahalikan daw si Andreas tsaka si Romeo. Putangina." Sagot ni William. Napayuko naman ito.


"Huwag ka na mag overthink. I know Andi, he won't do it." Ani ni Dos na tila bang siguradong sigurado.


"I'm not. Ang sa akin lang." Tumigil saglit si William sa pagsasalita at huminga ng malalim.


"Ang sakit. Damang dama ko eh." Napapikit naman si William.


"Guys! Wala daw tayong prof. Early dismissal." Ani nung isa nilang kaklase kaya naisipan nila na umalis na muna.


Habang naglalakad si Andreas ay nakita naman nila Celine ito. Maaga kasing natapos ang klase nila dahil may meeting ang mga prof. Nagbabasa si Andi ng may biglang sumigaw.


"Hoy! Andi! Tara gala?" Tanong ni Celine dito.


"Saan naman?" Tanong pabalik ni Andreas.


Ngayon lang sila ulit nagsama sama. Madalas kasi ay magkasama si Andreas at William ngunit ngayon ay medyo busy na silang dalawa. Nagisip muna si Andreas kung papayag siya o hindi.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Donde viven las historias. Descúbrelo ahora