25

510 42 25
                                    

Andreas' POV
Tangina! Sigaw ko sa isip ko. Pag gising ko palang ay badtrip na ako. Hindi ko din alam kung bakit. Pakiramdam ko ay tamad na tamad ako. Nagcellphone muna ako saglit. Pagkatayo ko ay pumunta agad ako sa banyo at naligo na ako. Pagkalabas ko ay agad ko nakita si William.


Nagtinginan kaming dalawa. Nginitian ako nito ngunit umiwas ako ng tingin. Pumunta agad ako sa Cabinet ko para kumuha ng damit na aking isusuot. Nagulat naman ako ng bigla itong nagsalita sa likod ko.


"Andi? Pwede ba tayo magusap mamaya? Sa may park." Tanong nito sa akin.


Andi hindi. Sabihin mo hindi. Huwag kang papayag please. Sasaktan mo lang sarili mo pag pumayag ka. Andi! Napapikit lang ako ng madiin at sumagot.


"Okay." Maikling sagot ko.


Tangina. Tumango naman ito at umalis na ng dorm. Napabuntong hininga ako at napapikit ng madiin. Nagulat ako sa aking nasabi. Hinayaan ko nalang at inayusan ko na ang sarili ko at pumunta na sa school.


Pagkarating ko sa school ay nakita ko agad si Celine at Emma. Naguusap ang dalawa habang kumakain ng breakfast nila. Tumabi ako sakanila at nakipagchikahan muna. Maaga pa kasi at may oras pa naman ako para magbreakfast. Habang naguusap ay bigla akong nagutom kaya naisipan ko muna bumili ng pagkain.


"Good morning, Andi." Pagbati ni Angel sa akin. Tinignan ko naman siya mula ulo haggang paa.


"Good morning." Malamig na sagot ko dito.


"Have you heard the news?" Tanong nito sa akin.



Bigla naman akong kinabahan. Tinignan ko lang ito at kinuha ang pagkain ko. Nginitian lang ako nito habang nakapamewang.


"Hindi. Hindi ako chismosa eh." Mataray na sagot ko at lumakad na papalayo.


"I guess si William na magsasabi sayo!" Sigaw nito.


Napatigil naman ako. Naririnig ko sila nagtatawanan ng mga kaibigan niya. Mas lalo akong kinabahan at hindi ako mapakali. Hinayaan ko nalang sila at tinuloy ang paglakad ko.


Umupo ako sa gitna ni Celine at Emma. Nakita naman nila kung paano ang inis ko. Napatigil si Celine at tinignan ako habang kumakain.


"Sis? Stress eating yan?" Ani ni Celine sa akin.


"Sinong hindi masstress? Malapit na exams." Sagot ko naman dito at kinain ang tocino ko.


"How are you?" Tanong ni Emma sa akin.


"I'm okay." Maikling sagot ko.


"You don't look okay." Ani ni Emma.


"I will be okay." Sagot ko dito.


Hindi ko lang alam kung kelan at paano, pero magiging okay ako. Hindi ngayon pero siguro sa mga susunod na araw. Sana maging okay pa ako. Sana makabangon pa ako.


"Just don't overthink things." Ani ni Celine sa akin.


"Thank you." Pagpapasalamat ko dito.


Habang kumakain kami ay nakita namin si Lucas at Paul na tumatakbo papunta sa amin. Pawis na pawis ang dalawa at mukhang may tinataguan. Grabe ang baho ng dalawang toh.


"Guys ang baho niyo." Ani ni Emma.


"True." Pagsangayon ko naman.


"May nalaman kasi kami." Pagsisimula ni Paul.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now