14

492 40 25
                                    

Buong maghapon nasa gymnasium si William at Andreas dahil bukas na ang intrams nila. Magkalaban ang Department ni William at Andreas. Habang naghahanda sila ay may nabalitaan si Andreas.


"Andi! May bago pala kayong classmate? Sabi ni Mrs. Cruz." Ani ni Celine sa kanyang kaibigan.


"Talaga? Hindi ko man alam. Kanina pa kasi kami nag reready eh. Sino daw?" Tanong ni Andreas sabay inom ng kanyang tubig.


"Hindi na sabi yung name eh. Girl daw." Ani naman ni Emma.


"Grabe siz? Naligo ka na sa pawis. Nasaan pala sila Paul?" Tanong ni Celine.


Tinuro lang ni Andreas sila Paul na naglalaro kasama nila William. Umupo naman saglit si Andreas dahil ito ay napagod. Naisipan naman ng dalawa na tumabi kay Andreas kahit pawis na pawis na ito.


"Buti pinayagan siya ng school? Yung new student. Patapos na school year eh." Nagtatakang tanong ni Andreas.


"Andi, alam mo naman basta pera yan okay sa school." Mataray na sagot ni Celine.


"Scholar daw eh." Ani ni Emma.


"Weh? Pabayaan niyo na." Ani ni Andreas.


Nagkwentuhan muna sila saglit. Maya maya lang ay may tumawag na kay Andreas. Bumalik na ito sa kanyang laro at pinanuod lang ni Emma at Celine ito.


"Alam mo na pangalan?" Tanong ni Celine kay Emma.


"Bakit super curious niyo?" Balik na tanong ni Emma.


"Kasi sabi nung iba she's super pretty and i want to know if true ba. So do you know the name?" Tanong ulit ni Celine.


Kinuha naman ni Emma ang cellphone niya dahil marami siyang kakilala sa school. Habang nag sscroll sila ay nakita nila ang pangalan nito at kapareho ng course ni Andreas.


"She's smart din ha. Angel Cenon ang name niya and Archi Student din. Kaya daw siya late pumasok dahil nagkaproblema ang old school niya. Pretty nga." Ani ni Emma.


"Patingin!" Ani ni Celine sabay kuha ng cellphone ni Emma.


"Dahan dahan naman girl!" Ani ni Emma. Tinignan nila ang fb ni Angel. Dalawa kasi ang fb nito kaya inuna nila ang bago.


"Maganda nga siya. Check nga natin ung old fb niya." Ani ni Celine at tinuloy ang pag scroll.


"Oh. Friend ni William. Tignan mo nga dali!" Gulat na gulat na sambit ni Emma.


Habang tinitignan nila ang fb ni Angel ay nagulat ang dalawa. Nagtinginan sila habang nakatakip ang kamay sa kanilang mga bunganga. Nagulat sila sa mga litrato dahil ang iba dito ay katulad sa camera ni Andreas at ang iba naman ay si Angel at William.


"Hoy! Omg! Mag ex sila?" Tanong ni Celine.


"Hindi ko alam. Parang oo eh. Huwag na natin sabihin kay Andreas?" Nagaalalang tanong ni Emma.


"Sabihin ang huwag?" Tanong ni Andreas na kakarating lang. Mas lalo naman bumilis ang puso ng dalawa.


"Ah. Eh. Ah... Shit may gagawin pa pala ako. Mamaya nalang Andi ha? Love you sis!" Kinakabahan na sambit ni Celine. Agad naman niya kinuha ang gamit niya at hinila si Emma.


"Bye, Andi! Love you!" Ani ni Emma at tumakbo kasama si Celine.


"Napano mga yun?" Tanong ni Andreas sa sarili. Inayos naman niya ang mga gamit niya break na nila.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now