18

649 39 26
                                    

Maagang nagising si William at Andreas dahil ngayon ay Linggo. Kumain sila saglit kasama ang nanay ni William. Habang nagbabasa si William ng libro ay may naisip siya.


"Andi?" Tawa ni William dito.


"Yeah?" Sagot ni Andreas na nakatingin sa cellphone niya.


"Punta tayong art store." Malambing na sambit ni William.


"Kailan mo pa nagustuhan ang art?" Natatawang sambit ni Andreas.


"May art nga akong gusto eh." Mahinang sagot nito.


"Oh? Ano?" Ani ni Andreas sabay lapit kay William na nasa kama.


"Ikaw." Hinampas naman ni Andreas si William sa kanyag balikat.


"Tara?" Pagaaya nito. Nagkunware naman si Andreas na nagiisip.


"Tara na nga." Hinila ni Andreas papatayo si William.


Maya maya lang ay nakarating na sila sa isang Art Shop. Tinitignan lang ni Andreas si William na humahanap ng paint at art canvas. Napangiti naman si Andreas sa kanyang nakikita.


"Bakit ka ngumingiti?" Tanong ni William dito.


"Ay bakit? Bawal po ba?" Sarcastic na sagot ni Andreas.


"Huwag ka masyadong magpacute baka may mainlove sayo." Seryosong sambit ni William.


"Huh? Paano naman? Puro bata at matatanda nandito." Sagot ni Andreas habang tumitingin sa mga pintura.


"Ako." Nakangiting sagot ni William.


"Mga banat mo Mr. Perez ha." Ani ni Andreas. Kanina pa niya kinakagat ang kanyang lower lip para pigilan ang kanyang kilig.


Nang makuha na ni William ang mga kailangan niya ay agad na niyang binayad ito. Kinuha ni Andreas ang paint habang si William ay dala dala ang art canvas. Habang palabas sila ay inakbayan ni William ito. Napangiti naman si Andreas sa ginawa ni William. Mas lalong kinilig ito ng halikan ni William si Andreas sa kanyang noo. Pinagbuksan ni William si Andreas ng pintuan at nagdrive na pauwi.


"Ano ba kasing gagawin mo?" Tanong ni Andreas dito habang tinitignan si William na nagaayos.


"Basta." Maikling sagot ni William.


Napasimangot naman si Andreas at humiga sa kama ni William habang tinitignan ang ceiling ni William. May projector kasi si William ng mga stars. Ang ilaw niyo sa kwarto ay red at blue. Habang nakatingin si Andreas ay itinaas niya ang kamay nito at kunwareng nahahawakan ang mga bituin sa ceiling.


Tinignan ni William ito at napangiti. Lumapit siya kay Andreas at hinalikan sa kanyang labi. Nagulat naman si Andreas sa ginawa ni William.


"Ano ba kasing gagawin mo? Gusto mo buksan ko ung ilaw?" Tanong ni Andreas dito at umupo ng maayos.


"Halika dito. Take off your shoes." Maikling sagot ni William.


"Kuya huwag po." Ani ni Andreas. Natawa naman si William at napailing.


"Ikaw ano bang trip mo?" Naiinis na sagot ni Andreas.


"Basta nga." Sagot ni William.


Pumunta si William sa kanyang speaker at pinatugtog ang kantang "Fascination" ni Nat King Cole. Napangiti naman si Andreas dahil naalala niya ang kanyang lolo na nagpapatugtog ng lumang kanta tuwing linggo.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now