Chapter 2: Truth and Consequences

368 127 12
                                    

“U-URIAH?” kinakabahang banggit niya sa pangalan ng lalakeng nasa harapan niya ngayon. Kung hindi lang matatalim ang tinging pinupukol nito sa kaniya ay gusto niya pa sanang i-admire ang kagwapuhan nito. Kaso, sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya ay parang gusto siya nitong balatan ng buhay. “A-anong ginagawa mo rito?” Although, ganoon ang tanong niya ay alam na alam niya ang dahilan kung bakit ito narito ngayon.

“Ibigay mo sa 'kin ang camera mo,” utos nito sa kaniya.

Sinasabi na nga ba niya at ito ang gusto nito sa kaniya. She held her camera tighter. “B-bakit ko naman ibibigay sa 'yo ang camera ko?! Th-this is mine!”

“Hindi ko naman inaangkin ang camera mo,” paglilinaw ni Uriah sa kaniya. “May titingnan lang ako. At 'pag nakasigurado kong walang 'di nararapat d'yan ay ibabalik ko rin 'yan sa 'yo.”

“No!” mariing tanggi niya rito. “This is my–”

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya because in one swift motion ay natanggal kaagad ni Uriah ang lace ng camera mula sa pagkakasuot nito sa leeg niya. Pagkatapos ay hinatak nito iyon mula sa kaniya. Mabuti na lang din at mahigpit ang pagkakahawak niya sa camera kaya hindi nito tuluyang nakuha iyon mula sa kaniya.

“Bitiwan mo ang lace ng camera ko!” mariing utos niya rito as they tugged at the camera by its lace. “’Pag nasira ang camera ko, sinasabi ko sa 'yo, babayaran mo 'to!”

“Kaya kitang bilihan n'yan,” wika nito sa kaniya. “Kahit 'yong pinakamahal at pinaka-latest na model pa.”

“Wala 'kong pakialam!” sigaw niya rito. “Basta, bitiwan mo ang camera ko!”

Nakipaghatakan siya kay Uriah para sa camera. Pero, wala ring nangyari sa pakikipag-agawan niya rito dahil tuluyang nakuha nito iyon mula kaniya. Sinubukan niya iyong bawiin mula rito. Kaso, nahawakan siya nito sa ulo at tinutulak palayo habang kinakalkal nito ang camera niya. Pilit niyang inaabot iyon mula rito. Kaso, hindi niya magawa dahil mas maikli ang mga braso niya kumpara rito.

“I-ibalik mo sa 'kin ang camera ko!” she said while reaching out for her camera with both hands.

“Sinasabi ko na nga ba't kinuhaan mo kami ng video kanina,” wika nito habang pinapakialaman ang camera niya with just one hand.

“’Wag mong pakialaman 'yan!” saway niya rito. “That’s mine!”

“Anong 'mine'?” sarkastikong wika nito sa kaniya. “Ako ang nasa video na 'to. So, pa'no mo nasabing sa 'yo 'to?!”

“Akin na 'yan sabi, eh!” Kung hindi niya ito makukuha sa santong dasalan, dadaanin niya ito sa santong paspasan. So, hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa ulo niya at saka kinagat iyon.

Napasigaw naman si Uriah dahil sa sakit. Pagkatapos ay sinubukan nitong alisin ang pagkakakagat niya sa kamay nito sa pamamagitan ng kabilang kamay nito. Dahil sa pagkabigla ay mukhang nakalimutan nitong may hawak itong camera dahilan para nabitiwan nito iyon, mahulog sa lupa at mabasag.

“M-my camera!” sigaw niya nang makitang nalaglag ang camera niya sa sahig at nasira. Napaluhod siya at hinawakan iyon.

“Kasalanan mo 'yan!” paninisi nito sa kaniya nang alisin niya ang pagkakakagat niya sa kamay nito. “Kung hinayaan mo na lang kasi ‘kong burahin nang maayos 'yong video namin e 'di hindi na sana nasira 'yong camera mo.”

“Hinayaan?!” sarkastikong wika niya rito. “Alam mo ba kung anong sinasabi mo?! I’m a reporter and that’s my scoop in here!”

“Ganyan naman kayong mga reporter, eh!” mapang-uyam nitong wika sa kaniya. “Wala na kayong ibang ginawa kung ‘di ang mag-report ng maling mga balita!”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin