Chapter 19: Love Stories

226 64 2
                                    

SANDY was inside her room. A knock on the door startled her as she was typing a story on her laptop.

"S-sino 'yan?" utal na tanong niya sa kumatok kahit sa palagay niya ay kilala naman niya kung sino iyon.

"Sino pa ba?" sarkastikong tanong ni Uriah sa kaniya mula sa kabilang bahagi ng pinto. "May iba ka pa bang kasama sa bahay na 'to?"

"U-Uriah," kabadong usal niya sa pangalan nito. "A-anong gusto mo?"

"'Di ka pa ba kakain?" ganting-tanong nito sa kaniya.

"Mamaya na," sagot niya rito. "Nakahain naman na sa kusina. Mauna ka nang kumain."

"Ayoko," tanggi nito. "Sabay na tayo."

"Mauna ka na nga!" nakukulitang pahayag niya rito. Nawawala tuloy ang concentration niya sa ginagawa niya. Saka, hindi ba ito makahalatang iniiwasan niya ito? Paano ito umaaktong normal matapos ang nangyari sa kanilang dalawa kanina sa kuwadra? "Mamaya na lang nga 'ko kakain. May ginagawa pa 'ko."

Walang pahintulot namang binuksan ni Uriah ang pinto ng silid niya at tinanong siya. "Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?"

Sa halip na sumagot ay pabulyaw niya ring tinanong ito habang nakayakap sa laptop niya. "Anong ginagawa mo? Bakit bigla-bigla ka na lang pumapasok dito sa kwarto ko?! Pa'no pala kung nakahubad ako?!"

"Eh, 'di maganda!" nakangising sagot nito sa kaniya.

"Anong maganda?! Bastos!" paratang niya rito.

"Ang bastos, nakahubad. Especially, nakatuwad," biro naman nito sa kaniya.

Hindi naman niya mapigilang hindi mapangiti kahit papaano sa biro nito. "Wala na bang luluma pa r'yan sa joke mo? Nang 90's pa 'yan, eh!"

"Kahit na luma, mabenta pa rin naman," katwiran nito sa kaniya. "Tingnan mo nga! Napangiti kita!"

"Kadiri ka talaga!" natatawang turan niya rito.

"Anong kadiri sa sinabi ko?" kunot-noong usisa nito sa kaniya. "'Yong nakatuwad o 'yong joke ko?"

"Parehas," she laughingly replied. "Lumabas ka na nga! Istorbo ka sa ginagawa ko, eh."

"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?" usisa nito sa kaniya. Sisilipin na sana nito ang laptop niya nang isara niya nang bahagya ang screen nito dahilan para magtaka ito dahil sa ginagawa niya. "'Wag mong sabihin sa 'king nanonood ka ng porn!"

"Sira ka talaga, 'no?! Anong porn ang pinagsasabi mo?! 'Di ako nanonood n'on!" tanggi niya rito. "Baka ikaw!"

"Minsan," diretso namang pag-amin nito nang walang pag-aalinlangan. "Pero, ano ba kasi 'yang ginagawa mo? Bakit tinatago mo sa 'kin? 'Wag mong sabihing gumagawa ka na naman ng masamang balita tungkol sa 'kin, ah!"

"Baliw ka talaga, 'no?!" Para mawala na lang ang pagdududa nito sa kaniya ay binuksan niya nang maayos ang laptop niya at hinarap iyon dito. "Y-'yan ang ginagawa ko."

"Webook writer ka?" 'di makapaniwalang tanong nito sa kaniya nang makita nito ang online reading and writing website na naka-display sa laptop screen niya kung saan siya nagta-type ng istoryang ginagawa niya.

"Oo," she confessed shyly. "Bakit? Jologs ba?"

"Sinabi ko ba 'yon?" he answered her question with another question. "Tungkol sa'n ba 'yang kuwentong ginagawa mo? Pwede ko bang malaman?"

Her eyes twinkled in delight. Buong akala niya kasi ay aasarin lang siya nito matapos nitong malamang Webook writer siya. Pero, laking gulat niya nang mukhang interesado pa ito sa istoryang ginagawa niya.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon