Chapter 10: Fever

259 95 7
                                    

INALAGAAN ni Sandy sa cold compress si Uriah hanggang sa bumaba ang lagnat nito. Pagkatapos ay pinainom niya ito ng tubig para ma-rehydrate ito. Pinagluto niya rin ito ng plain na lugaw at pinilit itong kumain. Kung kaya naman kahit papaano ay bumaba na ang temperatura nito kumpara kanina.

Taking care of this sick Uriah Khan is my moral obligation, she convinced herself. Saka, bilang ganti na rin sa tulong na binigay n'ya sa 'kin. Para quits na kami.

“'Yan. Medyo mababa na 'yong lagnat mo,” she told him as she put a cold, wet, folded towel over his forehead. “Pero, kailangan mo pa ring magpahinga para tuluyan ka nang gumaling. Ikaw kasi, eh! Natulog ka yata agad kagabi nang 'di man lang muna naliligo. Hinayaan mong matuyo 'yong tubig-ulan sa katawan mo. Nilagnat ka tuloy,” panenermon niya rito.

“Gano’n ba 'yon? Alam ko kasi, kaya 'ko nilagnat ay dahil may isang tao kahapon nang umaga na hinayaan akong malamigan sa labas habang wala akong suot na damit,” sarkastiko nitong paalala sa ginawa niya kahapon nang umaga nang hindi niya ito papasukin ng bahay.

She just sneered at him. “Oo na! Sige na. ’Di na 'ko makikipagtalo sa 'yo dahil may sakit ka,” pagpaparaya niya rito. “May pera ka ba r'yan para mabilihan kita ng gamot at saka ng pagkain mo sa labas? ‘Wag kang mag-alala. ‘Di ko itatakbo 'yong pera mo saka ibabalik ko rin 'yong sukli.”

“Ang dami mo namang satsat,” sabi nito sa kaniya. “Ibigay mo sa ‘kin 'yong wallet ko r'yan sa loob ng drawer ng bedside table.”

Sinunod naman niya ang utos nito. Binuksan niya ang drawer ng bedside table at kinuha mula roon ang black leather wallet nito na sa palagay niya ay mas mahal pa sa laman nito. “Ito na, oh!” wika niya nang inabot iyon dito.

Kinuha naman ni Uriah ang wallet nito at binuksan. Pagkatapos ay kumuha ito ng two thousand pesos mula roon at binigay sa kaniya.

“Kasya na ba 'yan?” usisa nito sa kaniya.

“Okay na siguro 'to,” sagot naman niya rito. Pagkatapos ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ni Uriah at nagtungo sa wardrobe nito. Mula roon ay kinuha niya ang isang t-shirt at isang jogging pants at hinagis iyon sa ibabaw ng kama ni Uriah. “Magpalit ka ng damit mo pag-alis ko. Basa na nang pawis ‘yang suot mo.”

Aktong lalabas na siya ng kwarto nito nang bigla siyang tawagin ulit ni Uriah. “Sa’n ka pala mamimili n'yan? Saka pa'no ka pupunta ro'n? May sasakyan ka ba?” sunud-sunod nitong tanong sa kaniya. “Eh, parang wala naman akong nakikitang namamasada rito. At saka naulan pa.”

“Sa bayan pa 'ko bibili,” sagot niya rito. “Pero, 'wag kang mag-alala. May bike naman ako. Saka merong raincoat dito sa bahay.”

“Gusto mo bang gamitin ‘yong Cadillac ko?” alok nito sa kaniya.

Hindi niya alam kung sinsero ba ito sa offer nito o gusto lang nitong ipagmayabang ang brand ng sasakyan nito.

“’Di na,” tugon niya rito. “Baka ma-disgrasya ko pa 'yong sasakyan mo't magbayad pa 'ko. Sige. Alis na 'ko.”

Palabas na sana siya nang silid nang nagsalitang muli si Uriah.

“I-ingat ka,” utal nitong paalala sa kaniya. “B-basa at madulas pa ang daan.”

Napalingon siya sa gawi nito. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito. Tama ba ang narinig niya? Nag-aalala ito para sa kaniya?

Hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabi nito. Tinanguan na lang niya ito at nginitian. Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng silid nito.

🏠🏠🏠

JEWEL Hortaleza was on her way to Uriah Khan’s new resthouse. Hindi naman iyon ganoon kalayo mula sa Manila. Although, it takes hours bago marating iyon. The place was not that far from the town proper also. Although, baryo na ang lugar na iyon. But, it is still accessible if you have your own vehicle like a car, motorcycle, tricycle or, maybe, even a bike. Katulad nang nakasalubong niya kanina. Hindi niya nakita nang maayos ang mukha ng babaeng nagba-bike dahil bukod sa natatakpan ng hood nang suot nitong raincoat ang mukha nito ay mabilis din ang pagpapatakbo nito.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz