Chapter 12: Housemaid

253 85 2
                                    

“HOUSEMATE?! Sino ka?! Si Kuya?! Anong 'kala mo rito sa Writer's Block?! PBB House?!” Sandy sardonically asked Uriah.

“H-hindi,” utal nanang tugon ni Uriah sa kaniya. “I-ibig ko bang sabihin e 'yong kasambahay.”

“Housemaid!” she corrected him. “Hindi housemate! Housemate ang English ng kasama sa bahay. Housemaid naman ang English ng kasambahay.”

“Ah… Basta may house. Parehas lang 'yon,” paninindigan nito.

“Magkaiba nga 'yon!” pilit niya rito.

“Teka! Sinisigawan mo ba 'ko?!” taas-kilay na tanong ni Uriah sa kaniya.

“'Di naman sa gano’n,” kalmado at nakangiti naman niyang sagot dito. Baka kasi biglang bawiin nito ang request niyang i-reserve para sa kaniya ang pag-buyback sa Writer’s Block nang walang tubo at kahit kailan. “Nagpapaliwanag lang.”

“Ah… Okay. ‘Kala ko'y sinisigawan mo na ‘ko, eh. Sige. Balik na tayo sa usapan natin kanina,” he said satisfyingly. “So, 'yon na nga. Hahayaan kitang bilihin ang bahay at lupa na 'to mula sa 'kin, kahit kailan mo gusto saka wala nang tubo basta mamasukan ka sa 'kin bilang kasambahay ko.”

Nababaliw na siguro 'tong kumag na 'to, sa isip niya habang nakangiti pa rin diti. Mukha bang pang-katulong ang beauty kong 'to?!

“’Di kaya overqualified ako para maging isang katulong mo lang?!” she emphasized the operative word sarcastically. “Maybe, you don’t know. Pero, college graduate ako. A Cum Laude, in fact. I graduated as valedictorian. Both in elementary and highschool. In addition to that, I have very good credentials.”

“Mataas ang pamantayan ko sa mga kasambahay ko,” wika nito na parang hindi man lang naintindihan ang mga sinabi niya. “Dahil malaki rin ako magpasweldo. Sisenta mil kada buwan.”

“S-sixty thousand pesos?” 'di makapaniwalang usisa niya rito.

Sabihin na nating malinis na ang fifty thousand pesos na itatabi ko kada buwan dahil gagamitin ko ang ten thousand pesos bilang allowance ko kada buwan which is sakto lang naman sa 'kin dahil 'di naman ako magastos na tao… she computed mentally. Pagkatapos niyon ay binuksan niya ang calculator ng cellphone niya at nagsimulang mag-compute. She divided ten million (the price of Writer’s Block) by fifty thousand (her salary per month) at ang naging sagot ay two hundred (which is the number of months bago niya makumpleto ang ten million pesos). Then, she divided two hundred by twelve (which is the number of months in a year) para makita naman niya kung ilang taon ang bubunuin niya bago mabuo ang ten million pesos and the answer was…

Magaling nga sa math ang mokong na 'to, she thought. Mahina nga lang sa English. Tama ngang halos seventeen years din ang aabutin bago ko makumpleto ang ten million pesos.

Kung tatanggihan naman niya ang trabahong inaalok nito at magpasya ngang mag-apply sa ibang bansa ay hindi naman siya nakakasiguradong makakahanap nga siya ng trabahong kasinglaki ng kikitain niya sa pagiging housemaid kay Uriah at saka kakailanganin niya rin ng panggastos para sa pagkuha ng requirements papunta roon. Kung tatanggapin naman niya ang inaalok ni Uriah sa kaniya ay parang wala naman siyang nakikitang disadvantage sa side niya. Actually, Uriah’s offer was too good to be true.

“Sigurado ka ba sa inaalok mong trabaho sa 'kin o niloloko mo lang ako?” usisa niya rito.

“Mukha ba 'kong nagbibiro?” seryosong ganting-tanong nito sa kaniya. “Pero, sige. Kung ayaw mo ng inaalok ko sa 'yo. Bahala ka nang maghanap ng ibang trabaho.”

“Ikaw naman! Ang bilis namang magbago ng isip mo,” she waved her hand in the air habang animo’y natatawa sa sinabi nito sa kaniya. “Naninigurado lang naman ako. Okay. Sige. Kelan ba 'ko magsisimula?”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora