Chapter 22: Saudi Arabia

207 57 0
                                    

GABI na nang makarating sina Uriah, Sandy at Lucinda sa Saudi Arabia. Tumuloy silang tatlo sa bahay ni Lucinda roon kung saan sila nagpalipas ng buong magdamag.

Kinabukasan nang umaga ay nagtungo sila King's Palace kung saan nakatira si Prince Hadji – ang crown prince ng Saudi Arabia who is also Uriah’s father – para magpunta sa kaarawan nito. Kaso, hindi sila nagtungo roon bilang mga bisita kung 'di bilang mga pekeng nurse assistants ni Lucinda.

Ayon kay Lucinda ay hindi sila maaaring dumalo sa kaarawan ni Prince Hadji bilang sila dahil magtataka ang mga tao roon kung sino sila. Kung si Uriah lang ang kasama ni Lucinda ay walang problema dahil mukha naman itong Arabo. Gayundin si Lucinda dahil isa ito sa mga private nurse ni Prince Hadji. Isa pa ay parehas silang nakakapagsalita ng Arabo. Kaso, ang problema ay si Sandy dahil hindi ito mukhang Arabo at lalong hindi nakakapagsalita ng lengguwahe nila. Kaya naman kailangan talaga nilang mag-disguise na tatlo para makita si Prince Hadji.

Naawa naman si Uriah kay Sandy dahil bumili pa naman daw ito ng maganda at mamahaling dress sa Pilipinas para gamitin nga sa kaarawan ni Prince Hadji. Iyon pala ay magsusuot lang ito ng scrubs.

Gabi pa lang bago ang birthday ni Prince Hadji ay pinaalam na sa kanila ni Lucinda ang plano nito. And it will all happen like this:

In the middle of the celebration ay bigla na lang daw magre-reklamo si Prince Hadji na masama ang pakiramdam nito. Hence, dadalhin naman ito ng bodyguards nito sa kuwarto nito kung saan naroon sina Lucinda, Uriah, Sandy at Dr. Khalid.

Kilala ni Uriah si Dr. Khalid at kilala rin siya nito. Isa ito sa mga taong nakakaalam sa totoong pagkatao niya. Ang alam niya ay matalik na kaibigan ni Dr. Khalid si Prince Hadji. At ang pagkakaalam niya, ayon na rin sa pagkakakuwento ni Lucinda, ay may gusto ang nasabing doktor sa nanay niya. Kaso, kahit na alam ni Lucinda na totoong mahal ito ni Dr. Khalid at mas maaari silang magkatuluyan kumpara kay Prince Hadji ay tinanggihan ni Lucinda ang pagmamahal ni Dr. Khalid at mas tinanggap ang pag-ibig ni Prince Hadji kahit na alam nitong bawal iyon. Sa kabila ng lahat ay nanatiling magkakaibigan ang tatlo at nangako si Dr. Khalid sa mga magulang niyang walang pagsasabihan tungkol sa totoong pagkatao niya.

Bagaman kinakabahan silang lahat sa gagawin nila. Everything turned out as they planned.

Pagbukas ni Dr. Khalid ng pinto upang lumabas mula sa silid ng crown prince ay narinig nila ang tinig ni Princess Yasmin, ang asawa ng crown prince, na nagtatanong tungkol sa kalagayan ni Prince Hadji. Sinabi ni Dr. Khalid na nagpapahinga ito at hindi muna maaaring istorbohin. Saka walang dapat ipagalala si Princess Yasmin dahil binabantayan ang crown prince ng private nurses nito – which is them.

Nang kumalma ang asawa ni Prince Hadji at sinara ni Dr. Khalid ang pinto ng silid ay siya namang pagdilat ni Prince Hadji mula sa pagtutulug-tulugan. Pagkatapos ay hinila nito ang sarili paupo at sumandal sa headboard ng kama.

“Happy birthday, Prince Hadji,” pormal na bati ni Lucinda sa crown prince. Pero, sa likod niyon ay halata pa rin niya ang tinatagong pagmamahal nito para sa kaniyang ama.

“Salamat, Lucinda,” wika naman ni Prince Hadji sa salitang Arabo. Nararamdaman din niya ang walang kupas na pagtingin nito para sa kaniyang ina.

“S’ya nga pala,” wika rin ng kaniyang ina sa salitang Arabo. “Kasama ko sina Uriah at ang future daughter-in-law mong si Sandy.”

“Um!” saway niya kay Lucinda. Kung hindi ito nagpapatawag ng hamāh o mother-in-law kay Sandy ay tinatawag naman nitong daughter-in-law si Sandy.

“Totoo ba 'yon, Uriah?” usisa ni Prince Hadji sa kaniya sa salitang Arabo.

Hindi siya makapagsalita at hindi niya alam kung bakit. Kung tutuusin ay napakadaling itanggi niyon dahil hindi naman iyon totoo. Pero, bakit parang gusto niyang sabihing totoo nga ang sinabi ng kaniyang ina sa kaniyang ama, na future daughter-in-law nga nito si Sandy?

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon