Chapter 8: A Rainy Night

272 99 17
                                    

DAHAN-DAHANG binuksan ni Sandy ang front door ng Writer’s Block. Pagkabukas niya niyon ay kaagad na tumambad sa paningin niya ang isang set ng sparkling, shimmering, splendid, eight-pack, chocolate abs. Nang i-angat niya ang mga mata niya para malaman kung sinong nagmamay-ari niyon ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha ng lalake.

“S-Sandy Guevarra?” utal na banggit ng pamilyar na lalake sa pangalan niya.

Bigla siyang napasigaw nang makilala niya kung sino ang lalakeng iyon. Pagkatapos ay pabagsak niyang sinara ang pinto ng bahay.

“U-Uriah Khan? I-ikaw ba 'yan?!” she asked him mula sa kabilang side ng ponto. Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan niya tulad ng kung paano ito napunta rito, anong ginagawa nito rito, bakit ito narito at anong kaugnayan nito sa bagong may-ari ng bahay. Pero, hindi na niya naisatinig ang mga iyon.

Pinagkakatok naman ni Uriah ang front door habang pinipihit-pihit ang doorknob. Tumigil lang ito nang hindi talaga nito mabuksan ang iyon.

“Oo, ako nga!” kumpirma ni Uriah sa kaniya. “At anong ginagawa mo rito?! Pa'no mo nalamang narito 'ko?! Nagpakalayo-layo na nga 'ko para 'di mo na 'ko gambalain pa. Pero, hanggang dito ba naman ay sinusundan mo pa rin ako! Ano pa bang issue ang gusto mong gawin laban sa 'kin?!”

“Anong sinusundan kita?!” pasigaw na ganting-tanong niya rito. “Hoy, Uriah Khan! For your information, ako ang may-ari ng bahay na 'to!”

She heard Uriah chuckled at the other side of the door. “Nababaliw ka na ba?! Anong pinagsasabi mong ikaw ang may-ari ng bahay na 'to?! Matagal ko nang nabili ang bahay na 'to kay Mr. Edgardo Guevarra…” Then, Uriah’svoice trailed off. Mukhang nakahalata na ito. “Sandali lang... Guevarra…” pabulong nitong sambit sa apelyido niya. “’Wag mong sabihing kamag-anak mo si Mr. Edgardo Guevarra?!”

“Oo,” she confirmed to him  “At 'di lang basta kamag-anak. He's my father!” Suddenly, a realization dawned on her, too. “Wait… Don’t tell me ikaw si Roy Kang?”

“Khan!”pasigaw nitong pagtatama sa kaniya. “Anong Kang? Kailan pa 'ko naging Koreano sa paningin mo? Uriah Ruel Roy Khan ang buong pangalan ko, 'no?!”

Now, it makes sense. Bakit kasi ang dami-daming pangalan ng lalakeng ‘to?! So, instead of using Uriah, Ruel Ang ginamit nitong pangalan. At mukhang namali lang nang pagkakarinig si Mang Bong ng apelyido nito. Ang pagkakarinig nito ay Kang imbis na Khan.

“So, ikaw nga ang nakabili ng bahay ko?! At bakit sa dinami-dami ng bahay rito sa Pilipinas ay 'yong sa 'kin pa talaga 'yong napili mo, 'no?! Wala ka na ba talagang ibang gustong gawin kundi ang pahirapan ang buhay ko?!”

“Aba! Malay ko bang tatay mo si Edgardo Guevarra?!” depensa ni Uriah sa sarili. “Saka matagal ko nang nabili sa kan’ya ang bahay at lupang ‘to bago pa kita makilala, 'no?! Este, bago mo pa guluhin ang buhay ko!”

“You mean the opposite,” kontra naman niya. “Ikaw ang nanggulo sa buhay ko! Lumayas ka na rito sa pamamahay ko’t 'wag na 'wag ka nang babalik pa!”

“Ikaw ang lumayas d'yan!” mariing utos ni Uriah sa kaniya. “Bakit ba kasi ‘di mo na lang tanggapin na akin na ang bahay at lupang 'to?! Gusto mo bang kasuhan kita?! ‘Kala mo ba ‘di ko nakita ‘yong mga pagkaing dala mo na malamang ay kinuha mo r'yan sa loob ng ref ko?!”

“Hoy, damuho ka!” panggagalaiti niya rito. “For your information, sa 'kin ang mga pagkaing 'to! Ako ang nag-grocery ng mga 'to bago ka pa dumating dito! Kaso, 'di ko na lang nakuha ang mga ‘to kahapon dito dahil walang pakundangang pinalayas n'yo 'ko sa pamamahay ko! Saka, bakit naman kita ipamimili ng pagkain?! Ano ka?! Sinuswerte?!”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now