Chapter 4: Trap

291 114 11
                                    

KINABUKASAN ay pinatawag si Uriah at ang manager ng C.U.P.I.D. na si Lea sa E.O.S. Entertainment Headquarters para kausapin ni President Clyde dahil sa isang trending post na kumakalat ngayon sa Internet tungkol sa umano’y pananakit niya sa girlfriend niyang si Jewel Hortaleza, pagpapatanggal niya kay Sandy Guevarra sa trabaho at sa pagpapa-blacklist niya sa lahat ng kompanyang a-apply-an nito.

“What’s this, Uriah?!” pasinghal na tanong ni President Clyde sa kaniya habang tinuturo ang bondpaper na nakapatong sa mesa nito. Laman niyon ang printed screenshot ng nasabing Facebook post.

Tiningnan niya ang tinutukoy nito. Pagkatapos ay inangat niya ang tingin.“Nabasa ko na 'yan?” kaswal niyang sagot dito na para bang wala lang iyon. “’Di ‘yan totoo.”

“Walang usok kung walang apoy, Uriah!” nanggagalaiting sigaw nito habang winawagayway ang papel sa ere. “Bakit lumaki nang gan'to ang apoy na 'to?!” Pagkatapos ay pabagsak nitong nilapag ang papel sa ibabaw ng mesa. “Alam mo ba kung ga’nong karaming reactions, comments at shares na ang post na ‘to ngayon sa social media?! At magaling talaga ang Sandy na 'yan dahil English pa talaga ang lengguwaheng ginamit niya dahilan para hindi lang mga Pilipino ang makabasa nito kung 'di pati buong mundo! Bakit gumawa kayo ng hakbang laban sa babaeng ‘yon nang 'di man lang nagpapaalam sa 'kin?! Ngayon, nakita mo na ang laki ng damage na 'to sa 'yo, Uriah?! Alam mong 'di lang ikaw ang maaapektuhan dito kung 'di pati na rin ang C.U.P.I.D. And not just C.U.P.I.D. But, the whole agency as well. Ano nang gagawin natin ngayon?!” Pagkatapos ay nagbuntong-hininga muna ito nang malalim bago muling nagsalita. “Siguro’y 'di ko na dapat inalis pa ang rule na bawal makipagrelasyon ang isang E.O.S. artist sa kapwa E.O.S. artist. This is all my fault,” mahabang litanya ni President Clyde. Kahit papaano ay nangingimi siyang mangatwiran dito dahil ngayon niya lang nakitang sobrang stressed ito.

“A-actually, kasalanan kong lahat 'to, Clyde,” pag-ako ni Lea sa masamang pangyayari.

“Hindi, Lea. Kung may dapat sisihin dito’y ako ‘yon,” pag-angkin ni Uriah ng kasalanan. Pagkatapos ay bumaling siya kay President Clyde. “Matapos kasi nang engkwentro namin ng Sandy Guevarra na 'yan, sinabihan ko si Lea na gawin n’ya ang lahat para 'di makagawa ng kahit anong balita ang babaeng 'yon tungkol sa 'kin. Kaya tinawagan ni Lea ang boss ni Sandy na si Mrs. Garcillano at, 'yon nga, dahil siguro hindi malinaw ang utos ko, tinanggal ni Mrs. Garcillano si Sandy sa trabaho at siniguradong hindi ito matatanggap sa kahit anong kompanyang a-apply-an nito. Pero, nang malaman ko 'yon, binalak ko namang linawin ang utos ko kay Mrs. Garcillano para pabalikin niya si Sandy sa trabaho. Kaso, huli na ang lahat. Kumalat na ang Facebook post na 'yan.”

“Sumasakit ang ulo ko,” reklamo ni President Clyde. Pagkatapos ay napamasahe ito sa sariling sentido. “Gustuhin ko mang magpatawag ng press conference para pabulaanan ang post ni Sandy tungkol sa 'yo’y 'di ko magawa dahil nakapag-post na tayo ng explanation sa website natin na kaya ‘di nakasama si Jewel sa performance ng M.A.J.Y.X. sa The Sunday Show nang nakaraan ay dahil sa minor hip injury na tinamo nito dahil sa masamang pagkakabagsak sa sahig, remember? Pa'no pa maniniwala sa 'tin ang mga taong wala kang kinalaman do'n, Uriah?”

Parang may dumaang anghel dahil bigla silang nabalot ng isang nakabibinging katahimikan. Hanggang sa binasag ni Lea iyon.

“I think I have an idea,” nakangiting wika nito sa kanila.

🏠🏠🏠


9.8k reactions, 8.7k comments and 7.9k shares. Iyon ang current status ng trending post ni Sandy ngayon sa Facebook tungkol kay Uriah Khan at sa totoong ugali nito. Hindi lang ni-like at pinusuan iyon ng netizens. Ang iba ay s-in-ad face at in-angry pa iyon. Samantalang ang iba naman ay h-in-aha iyon.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now