Chapter 17: Horseback Riding

222 66 0
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising sina Sandy at Naomi para maghanda ng almusal nilang lahat. They cooked longganisa, tapa, tuyo, fried rice at itlog na pula na may kamatis. Sandy also prepared a brewed coffee for them para mawala ang mga hangover ng mga ito. Maaga namang nagising ang mga boys dahil kailangan daw ng mga itong umalis nang maaga dahil may meeting pa si President Clyde mamayang tanghali. Pagkatapos nilang kumain ay nagpasya namang bumiyahe na ang mga ito kaagad pauwi.

Ilang minuto lang pag-alis ng mga ito ay may kumatok sa pinto ng bahay nila. Nang buksan ni Sandy iyon ay nalaman niyang si Mang Bong pala iyon.

“Mang Bong, kumusta po kayo?” nagagalak na tanong niya sa matandang lalake. Ngayon lang kasi niya ito muling nakita matapos lumipat si Uriah sa Writer’s Block.

“Ayos lang naman ako, hija,” sagot nito sa kaniya. “Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Nasa'n ang bagong may-ari ng bahay? Alam ba n'yang narito ka? Pumasok ka na naman ba rito sa bahay na 'to nang walang paalam?”

“’Di pa po ba nasasabi ni Uriah sa 'nyo?” ganting-tanong niya sa sunud-sunod na tanong nito sa kaniya. “Housemaid na po 'ko ni Uriah Khan ngayon.”

“Uriah?” sambit nito sa pangalan. “’Yon ba ang totoong pangalan ng bagong may-ari ng bahay na 'to? Akala ko'y Roy Kang!”

“Actually, his full name is Uriah Ruel Roy Khan,” paglilinaw niya rito. “Namali lang po siguro kayo nang pagkakarinig sa pangalan n'ya no'n. Saka, 'di po bagay sa kan'ya ang apelyidong Kang dahil kalahating Arabo at Pinoy s'ya. At kung ‘di n'yo pa po alam, sikat po s'yang artista!”

“Ang dami mo namang alam tungkol sa 'kin,” wika ni Uriah mula sa likuran niya. Tumayo ang mga balahibong-pusa niya sa batok nang maramdaman niya ang pagdampi ng hininga nito sa tenga niya. Paglingon niya ay muntik na niyang mahalikan ito sa sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya.

“Magandang araw po, sir,” magalang namang bati ni Mang Bong kay Uriah. “Ako nga po pala si Bong. Ang caretaker ng bahay na 'to. Ikinagagalak ko po kayong makilala.”

Tumayo naman si Uriah nang maayos dahilan para magkaroon ng distansya sa pagitan nilang dalawa. Dahil doon ay unti-unti namang bumalik sa normal ang pagtibok ng puso niya. “Ako rin po,” wika nito kay Mang Bong

“Nagpunta nga po pala 'ko rito para ihatid 'tong mga pinamalengke at ulam na niluto ng asawa ko para sa 'nyo,” pahayag ni Mang Bong kay Uriah. “Saka, nagpunta na rin po 'ko rito para linisin at ayusin ang bahay n'yo't para sunduin na rin po sana si Alexandra.”

“’Di n'yo na po s'ya kailangang sunduin pa dahil kinuha ko na po s'yang kasambahay rito,” wika ni Uriah kay Mang Bong. “Kaya pakisabi na lang po sa asawa n'yong 'wag na s'yang mag-abalang mamalengke at magluto para sa 'kin dahil si Sandy na po ang bahalang gumawa ro'n.”

“Ah, gano'n po ba? Sige po,” nakakaunawang sagot ni Mang Bong dito. “S’ya nga pala, Sandy. Dinala ko rin sina Pegasus at Unicorn dito. Baka gusto mo silang makita.”

“Talaga po?” 'di makapaniwalang tanong niya kay Mang Bong. “Nasa’n po sila?”

“Nasa bukid sila,” sagot nito sa kaniya. “Dinala ko muna sila ro'n para makakain ng damo.”

“Sino sina Pegasus at Unicorn?” usisa ni Uriah sa kaniya.

“They’re my horses,” nakangiting tugon niya rito. “Gusto mo ba silang makita?”

“Oo naman!” Uriah answered excitely.

“Let’s go!” aya niya rito. Pinasok muna nila sa loob ng bahay ang mga dala ni Mang Bong. Pagkatapos ay sabay-sabay silang naglakad patungo sa malapit na bukid.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now