Chapter 21: Childhood Photos

218 59 0
                                    

SA tanang pananatili ng nanay ni Uriah sa Writer’s Block ay mas naging malapit si Sandy rito. Naging form of bonding na nila ang araw-araw na pagpunta sa palengke at supermarket para mamili ng ingredients sa mga niluluto nilang Middle Eastern dishes. Araw-araw kasi ay may bagong Middle Eastern dish na tinuturo ito sa kaniya tulad ng national food nilang kabsa, iba't ibang luto ng shawarma, kebab at marami pang iba. Bukod doon ay madalas din nilang pinagkukuwentuhan ang childhood days ni Uriah na kinaiinis naman ng huli. Dahil doon, pakiramdam niya ay mas lalo pa niyang nakilala si Uriah dahil sa mga kuwento ni Lucinda tungkol dito. Ngayon naman ay naisip nitong ipakita sa kaniya ang photo album nito nang bata pa ito.

“This is the only picture of Uriah and his father,” saad ni Lucinda kay Sandy habang pinapakita nito sa kaniya ang isang lumang litrato ng mag-ama. “’Di kasi kami kumukuha ng mga larawan no'n na kasama ang ama n'ya dahil natatakot kami na baka kumalat 'yon kung sakali’t malaman nila ang lihim namin. Pero, tingnan mo. Kamukhang-kamukha ni Uriah ang tatay n'ya nang binata pa 'to, 'di ba?”

Pinakatitigan naman ni Sandy ang larawan ng mag-ama. Totoo nga ang sinasabi ni Lucinda. Kung susuotin ni Uriah ang damit ng tatay nito sa larawan ay kamukhang-kamukha nga ni Uriah ito. Even the built of their bodies were the same at that age. Hindi mo masasabing hindi nga sila tunay na mag-ama.

“Parang pinagbigyak nga po silang arinola,” komento niya dahilan para humalakhak si Lucinda.

“Ang gwapo ko namang arinola,” wika ni Uriah habang bumababa ito ng hagdan patungo sa sala kung saan sila naroon ni Lucinda. Mukhang narinig nito ang sinabi niya. “Ano ba 'yang pinagkakaabalahan n'yong dalawa r'yan?”

“Oh, come here, abnay,” aya ni Lucinda sa anak. “We’re just browsing each other's photo album.”

Naupo naman si Uriah sa sofa kasama nila at dumampot ng photo album – her photo album!

“Hoy! Akin na 'yan!” sigaw niya rito kasabay ng tangkang paghablot ng photo album mula rito. But, failed dahil naiilag kaagad nito iyon mula sa kaniya.

“Aba! Hinayaan kitang tingnan ang mga picture ko nang bata pa 'ko 'tapos ikaw ayaw mong pakita sa 'kin 'yong sa 'yo,” reklamo nito sa kaniya. “Siguro, mas kalait-lait 'yong itsura mo no'n kesa sa 'kin, 'no?”

“’Di, 'no?!” kontra niya rito. “’Di hamak na mas cute kaya ‘ko sa 'yo no'n. Tingnan mo pa!”

Pagkatapos ay hinayaan na niya itong tingnan ang photo album niya hanggang sa sumapit ang mga mata nito sa family picture nila.

“Ito ba ang mga magulang mo?” usisa nito sa kaniya.

“Yup,” tugon niya rito. “This is my father - Edgardo Guevarra – and my mother – Graciana Guevarra,” pagpapakilala niya sa mga magulang niya habang tinuturo ang mga ito sa larawan. “And this is me when I was eight years old.”

“Para kang mini-me ng nanay mo,” puna ni Uriah sa larawan niya.

“You’re right,” sang-ayon niya rito. “Take a look at this.” Pagkatapos ay nilipat nito sa ibang pahina ang photo album kung saan naroon ang isang batang babae at isang batang lalakeng magkatabi sa larawan. “Si Mama 'to nang eight years old pa s'ya,” pahayag niya rito habang tinuturo sa litrato ang isang batang babae. “And, this is my father who was the same age as her in the picture,” she said while pointing at the boy beside her mother. “They’re childhood sweethearts.”

“Grabe! Parang wala ka talagang minana sa Papa mo,” komento ni Uriah.

“Talaga!” she affirmed. “Tingnan mo 'tong picture ni Mama nang dalaga pa s'ya.” Pagkatapos ay nilipat niya na naman sa ibang pahina ang photo album kung saan naroon ang picture ng kaniyang ina nang dalaga pa ito. “I really look like her when she’s just my age, isn’t it?”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now