Chapter 7: Order To Vacate

278 98 3
                                    

SANDY was glaring at the court order na binigay sa kaniya nang nagpakilalang Naomi Diaz kanina where it was stated that she needed to vacate the house as soon as it was sold. And that was several years ago. So, ibig sabihin, matagal na pala talagang wala sa kaniya ang Writer’s Block. Parang gusto niya tuloy punit-punitin, pagpira-pirasuhin at sunugin ang kapirasong papel na iyon. Together with it was a contract saying na ang mag-asawang sina Mang Bong at Aling Wanda ang assigned caretakers ng bahay na iyon.

“No!” pagpoprotesta ni Sandy. “’Di ako makakapayag! ‘Di ako aalis sa bahay na ‘to!”

“That’ll be a big problem, Miss Guevarra,” komento ni Naomi sa kaniya. “Maybe you don’t know. Pero, pwede ka naming kasuhan ng trespassing at illegal settling.”

“Eh, ‘di magka-demandahan na lang kung magkademandahan,” mapanghamong wika niya rito. “Pero, ‘di ko iiwan ang Writer’s Block!”

“Pagpasensiyahan n'yo na po si Alexandra, ma'am,” sinserong paumanhin ni Mang Bong dito. “Ngayon lang daw po kasi n'ya nalamang pinagbili pala ng Papa niya ang bahay at lupang 'to.”

“And who're you?” usisa ni Naomi kay Mang Bong.

“Ako po si Mang Bong,” tugon ng matandang lalake rito. “Ako po 'yong itinalagang caretaker ng bagong may-ari ng bahay na 'to.”

“I see,” wika ni Naomi. Pagkatapos ay pinagbalingan siya nitong muli ng pansin. “Pero, 'di kaya nagpapanggap ka lang na wala kang alam para mahuthutan mo kami ng pera regarding sa paglipat mo sa ibang lugar? ‘Cause, you see. Imposibleng 'di sinabi ng tatay mo sa 'yo ang tungkol sa gan'tong kahalagang bagay tulad ng pagbenta n'ya ng bahay n'yo.”

Biglang nagpantig ang magkabilang tenga ni Sandy dahil sa sinabi ng babae. Para kasing pinapalabas ng babaeng ito na sinungaling siya! At sawang-sawa na siya sa mga taong nagsasabing hindi siya nagsasabi ng totoo! Bubulyawan niya na sana ito nang harangan siya ni Mang Bong para pigilan siya sa gagawin niya.

“’Di naman po sa gano'n, ma'am,” malumanay na wika ni Mang Bong. “Kilala ko po si Alexandra. Nagsasabi po s'ya ng totoo. Malubha na po kasi ang karamdaman ng tatay n'ya nang panahong binenta nito ang bahay at lupa sa 'nyo kaya posible pong nakalimutan n'ya na ring sabihin kay Alexandra ang tungkol do'n dala na rin ng sakit nito.”

“Okay,” kumbinsidong wika ni Naomi sa paliwanag ng matanda. “But, it doesn’t mean na sa kan'ya pa rin ang property na 'to. Ang lupa at ang bahay na 'to, including everything in it, from the furnitures to the appliances, lahat ng ‘yon ay kasama sa pinagbili ni Mr. Guevarra sa 'min.”

Magpoprotesta pa sana siya nang unahan siyang magsalita ni Mang Bong.

“’Di po ba pwedeng bigyan n'yo muna s'ya ng palugit na tumira rito bago s'ya makahanap ng bagong tirahan?” nakikiusap na tanong ni Mang Bong.

“I’m sorry,” sagot ni Naomi rito. “Pero, kaya nga 'ko nagpunta rito para i-check ang lugar na 'to dahil darating na ang may-ari nito mamayang gabi.”

“No! ’Di ako makakapayag na gano’n-gano’n na lang mawawala sa ‘kin ang Writer’s Block!” mariing pahayag niya kay Naomi. “Tinayo pa ng mga magulang ko ang bahay na ‘to. Dito 'ko lumaki’t nagka-isip. It’s supposed to be my inheritance from them! And, this house is built by their love for each other…”

Sandy’s late father, Edgardo Guevarra, was an engineer. While, her late mother, Graciana Guevarra, was an architect. Her parents were the founder and owner of the Guevarra Construction Firm which specializes in building houses. Ayon sa mga magulang niya ay hindi naging madali ang pagpapatayo ng mga ito ng Writer’s Block to the point na muntik nang maghiwalay ang mga magulang niya dahil doon. But, because of their love for each other ay naayos ng mga ito ang problema sa isa't isa't magkasamang binuo ang dream house ng mga ito. Kaya nga hindi siya naniniwalang magagawang ipagbili ng ama niya ang Writer’s Block dahil sa dami at hirap na pinagdaanan ng mga magulang niya mabuo lang ito. She thought that, maybe, there’s some anomaly that happened in here.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon