Chapter 23: Tour

206 55 0
                                    

WALANG ginawa buong maghapon sina Sandy at Uriah kung 'di libutin ang buong Riyadh. Sa lawak at sa dami ng pwede nilang puntahan dito ay parang kulang ang isang buong araw para mapuntahan nila ang lahat ng magagandang lugar dito.

Based from Uriah, Riyadh is actually divided into three parts: The old city, the outskirts of Riyadh and the modern part.

Una silang nagpunta sa ruined city of Ad Diriyah which is a home to the Al Turaif district, a UNESCO World Heritage Site, which dates to the 15th century and was the first capital of the Saudi state. Napakaraming mga sinaunang palasyo at ruins sa lugar na iyon. Pero, marami na rin namang mga lugar doon ang renovated na ngayon. Naubos ang halos kalahating araw nila sa paglilibot doon.

Dahil Ad Diriyah Season din ngayon ay may mga event sa lugar na iyon tulad ng Formula-E event which is a race of electric cars. Ayon kay Uriah, nang panahong hindi pa maluwag ang Kingdom sa mga turista, ang tanging paraan lang para makakuha ng tourist VISA sa bansang iyon ay kung nakabili ka ng ticket para sa Formula-E event. And, fortunately, they have those tickets which was given to them by Prince Hadji. Wala namang pagsidlan ang excitement na nararamdaman ni Sandy dahil first niyang makakapanood ng ganoong klaseng event.

“Sandy,” tawag ni Uriah sa kaniya.  “May sasabihin sana 'ko sa 'yo.”

“Ano 'yon?” tanong niya rito habang tutok na tutok siya sa mga nag-uunahang race cars papuntang finish line.

“Ah… Eh… A-ano… K-kasi… G-gusto…”

Hindi na niya narinig ang mga sumunod na sinabi ni Uriah dahil napuno ng hiyawan ang buong lugar nang may sasakyang nakarating na sa wakas sa finish line. Maging siya ay napasigaw sa sobrang saya. Pagkatapos ay hinarap niyang muli si Uriah

“Anong sabi mo?” tanong niya rito. “Pasensya ka na’t ‘di ko narinig ‘yong sinabi mo dahil sa sobrang ingay.”

“Ah, gano’n ba? Hayaan mo na ‘yon,” nagtatampong wika nito. Then, he sighed deeply at muling tinanaw ang race track.

“Teka. Galit ka ba sa ‘kin?” usisa niya rito.

“Ako? Galit sa ‘yo? Bakit naman?” sunud-sunod na tanong nito sa kaniya na may bahid ng sarkasmo.

“Para kasing na-disappoint nang sinabi ko sa 'yong ‘di ko narinig ‘yong sinabi mo,” sagot niya rito.

“Wala 'yon,” malamig nitong wika.

She knew that what Uriah said was important. Hindi siya naniniwalang wala lang ang sinabi nito dahil nararamdaman niyang may mali rito.

Ano ba kasi ‘yong gusto mong sabihin sa ‘kin?” pangungulit niya rito. “Sige ka. ‘Pag ‘di mo sinabi sa ‘kin, magagalit ako sa ‘yo.”

Hindi naman talaga siya magagalit dito. Pinagbantaan lang niya ito ng ganoon dahil alam niyang tulad niya ay ayaw ni Uriah na nag-aaway silang dalawa. Mukhang tama naman ang ginawa niya dahil mukhang naalarma ito dahil sa sinabi niya.

“Ahh… Eh… A-ano… K-kasi…” utal-utal nitong wika sa kaniya habang palinga-linga ito sa paligid na para bang may hinahanap. “I-itatanong ko lang sana… K-kung... G-gusto… Kung gusto mong magpa-tattoo!”

“Magpa-tattoo?!” she repeated in disbelief.

“O-oo,” kumpirma niya rito. “M-magpa-tattoo. G-gusto ko rin kasing magpa-tattoo.”

Nag-isip muna siya nang malalim. Well, matagal na niyang gustong subukang magpa-tattoo. Kaso, natatakot siya dahil mag-isa lang siya. But, now, knowing na sasamahan siya ni Uriah ay parang nabuhayan siya ng loob. Saka, magandang souvenir din iyon kapag umuwi siya sa Pilipinas. Sa tuwing makikita niya ang magiging tattoo niya ay maaalala niya ang tour niya rito sa Riyadh kasama si Uriah.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now