Chapter 25: Jewelries

207 51 2
                                    

NATIGAGAL si Sandy sa pinagtapat sa kaniya ni Mang Bong.

“Totoo ang narinig mo, Alexandra,” kumpirma ni Mang Bong sa kaniya. “Kapatid mo nga sa labas ang batang 'to. Kapatid mo si Nigel!”

Hindi niya maipaliwanag. Pero, nang una niyang masilayan ito nang baby pa ito ay magaan na talaga ang loob niya rito. Hindi sa ayaw niyang maging kapatid ito. Nabigla lang siguro talaga siya sa pinagtapat ni Mang Bong sa kaniya. Kaya pala parang kapatid na ang turing niya rito. Dahil kapatid nga niya talaga ito!

Akala niya, nang mamatay ang mga magulang niya, ay nag-iisa na lang siya sa buhay. Iyon pala ay may kapatid pa pala siya. Bagaman kapatid lang sa ama ay kapatid niya pa rin ito. They're both sharing the same flesh and blood of their late father. Mas lalo lang iyon nagpatindi sa hangarin niyang mailigtas ito mula sa mga kamay ni Mang Bong. Gagawin niya ang lahat para lang hindi mapahamak ang kawawang kapatid niya.

“No'n pa man ay may gusto na si Wanda kay Edgar,” pagpapatuloy ni Mang Bong. “Kaso, ang gusto ni Edgar ay si Grace. Gayundin naman si Grace kay Edgar. Matagal na 'kong may gusto kay Wanda. Kaso, 'di n'ya 'ko gusto dahil mahirap lang ako. Pero, nang magpakasal ang mga magulang mo sa isa't isa'y pinansin ako ni Wanda, minahal at tinanggap ang alok kong kasal sa kan'ya. Pero, nagkamali ako dahil 'di pa pala n'ya nakakalimutan ang nararamdaman n'ya para kay Edgar. At nang magkasakit si Grace ay may nangyari sa kanilang dalawa ng ama mo. Ang masakit pa ro'n ay nabuntis ng ama mo ang asawa ko. Sa kabila nang nangyari’y pinatawad ko pa rin si Wanda dahil 'di ko kayang tuluyang mawala s'ya sa 'kin. Kaso, sa tuwing nakikita ko ang bunga ng pagkakasala nila'y naaalala ko ang kataksilang ginawa nila sa 'kin at ang kakulangan ko bilang isang lalake. Oo, Sandy! Baog nga 'ko’t 'di ko mabibigyan si Wanda ng sarili naming anak kailanman. Pero, bakit kailangan n'ya 'kong pagtaksilan? Dumagdag pa sa sakit na nararamdaman ko ang mga pangungutyang naririnig ko mula sa ibang tao dahil nakikita nilang 'di ko kamukha si Nigel habang lumalaki. Totoo palang walang lihim na ‘di nabubunyag dahil kahit anong gawin kong tago sa kasalanan ng asawa ko sa ‘kin ay naghuhumiyaw ang katotohanang ‘di ko talaga anak si Nigel dahil nagiging kamukha ni Edgar ang batang 'to! Dahil din doo'y nalaman nilang totoong baog nga 'ko. Kaya, simula no'n, pinangako kong maghihiganti ako. Kukunin ko ang lahat ng kayamanan ni Edgar dahil baka 'pag yumaman na rin ako'y mahalin na rin ako nang buo ni Wanda. Kaso, nang malaman ni Wanda na plano kong patayin ka'y hinadlangan n'ya 'ko. Pinagbantaan n’ya 'kong isusumbong n'ya ko sa pulis at sasabihin sa mga 'to ang lahat ng kasalanan ko. Nagtalo kaming dalawa. Bakit gugustuhin n'ya 'kong makulong gayung silang dalawa ni Edgar ang nagsimula ng lahat ng 'to? Pinipigilan n'ya 'ko. Nakipag-agawan s'ya sa baril. Kaso, makulit talaga s'ya. Hanggang sa ‘di sinasadyang nakalabit ko ang gatilyo ng baril at tumama ang bala niyon sa dibdib n'ya dahilan para ikamatay n'ya…” Mang Bong's voice trailed off hanggang sa maluha ito. Nararamdaman niyang nagsisisi ito sa ginawa nito. Kaso, huli na ang lahat.

“N-naiintindihan ko po kayo, Mang Bong,” pakikisimpatiya niya rito para lang pakalmahin ito kahit alam niyang mali at walang kapatawaran ang ginawa nito kay Aling Wanda. “P-pero, 'di po karahasan ang solusyon sa problema n'yo ngayon. N-nakikiusap po 'ko. I-ibaba na po n'yo ang baril n'yo't pakawalan n'yo na po kaming dalawa ni Nigel. T-tapos, kunin n'yo na po ang laman ng secret vault na 'to. H-hindi na po 'ko mangingialam. P-pangako po.”

Humalakhak namang bigla si Mang Bong na parang nasisiraan ng bait. “Sa palagay mo ba'y mauuto mo 'ko, Alexandra? Walang makakawala sa ‘nyong dalawa hanggang 'di mo nabubuksan ang safe vault na 'yan!”

“P-pa’no ko po bubuksan ang safe vault na 'yan?” tanong niya rito.

“Problema mo na 'yon!” sagot nito sa kaniya. “Sari-saring kombinasyon na ang ginawa ko r'yan. Kaso, ayaw talaga bumukas n'yan. ‘Pag 'di mo nabuksan 'yan, sinasabi ko sa 'yo, walang makakaalis nang ligtas sa 'nyong dalawa ni Nigel dito. Kaya mag-isip kang mabuti kung pa'no mo mabubuksan 'yang secret vault na 'yan!”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now