BEGIN

385 14 23
                                    


𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

MAKALIPAS ANG ISANG TAON


Isang taon na ang nakalipas matapos mag karoon ng zombie outbreak sa city nila. Sa katunayan hindi lang city nila ang naapektuhan kundi pati narin ang karadig lugar. Officially locked na ang city nila—wala ng basta basta na makakalabas at lalong makakapasok.

Hindi na ma-control ng gobyerno ang sakit na kumakalat sa naturang syudad kaya pinabayaan nalang nila ito at mas binigyan pansin na hindi pa ito lumaki sa buong Pilipinas.

Yung mga mag dadala lang ng supply sa Grandstand ang makakapasok.

At hanggang ngayon wala paring lunas ang naturang sakit dahil hindi naman nila alam kung saan nag mula at paano nagawa—maliban kala Gwen.

Sa hindi inaasahan, marami pa palang survivor sa sentro. Lumaban sila para sa kanilang mga buhay at ang naging epekto? Naging sakim sila.

Tuluyan ng nawala ang pag kakapwa tao sa mga dugo nila, ang importante nalang sakanila ay ang saliri nila.

Wala na silang pake kahit tao ang kalaban nila basta mabuhay lang sila.

Hindi mo rin maiwasan na, mismong kapwa tao na ang kalaban mo.


Ang mas malala pa nga mukang mas kalaban mo na ang kapwa mong normal kaso sa mga infected.

Ngayon, bumalik tayo sa survival squad. Ano na ba ang nangyari sakanila?

Matapos nilang makatakas sa Lanmenard hindi na sila nag balak pang pumunta sa Grandstand dahil alam nilang hindi na sila papasukin doon.

Napag pasyahan nalang nilang tumira sa sentro—kung saan maraming pagkain at supply.

Gumawa sila ng treehouse, mas ligtas kasi sila pag nasa treehouse sila manirahan. Yung tipong kahit tulog sila alam nilang ligtas sila.

Si Ken ang nag plano ng treehouse nila. Humanap muna sila ng isang matibay na puno ng acacia at sa lugar kung saan merong malapit na bahay kasi doon sila makiki-connect ng tubig at lalo na ng kuryente.

Pwedeng maalis ang hagdan ng treehouse, binababa lang ito pag may baba pero pag wala naka taas ito para walang makaakyat na infected or kahit na tao.

May tatlo na kwarto ang treehouse, tatlo lang kasi di na kaya pag sobrang dami ng

Iisa lang ang kwarto ni Josh, Yanna, Sejun at Gwen.

Ganoon din sila Weedad, Justin, Stell at Khayla.

Iisang kama lang si Weedad at Khayla ganoon din si Stell at Justin.

Wala eh, ayaw ni Stell na iisang kama lang si Justin at Weedad kahit mag jowa ang mga to.

At sina Ken at Ira naman, dahil nga si Ken ang gumawa ng plan ng bahay. Sila lang dalawa sa isang kwarto pero mas maliit nga lang sakanila kumpara sa iba.

Meron silang maliit na kusina, banyo at  sala.

Akalain mong nag kasya sila sampu doon?

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now