INTRUDER

244 13 34
                                    


AUTHOR'S POINT OF VIEW:

9 na ng gabi at andito pa si Gwen, nakatingin sa microscope—pinag mamasdan ang reaction ng virus sa ginawa nyang vaccine. Katabi nya naman si Sejun na nag susulat ng formula sa notebook. May maliit na ikaw sa harap nila, nag bibigay ng mas ayos na liwanag sa ginagawa nilang dalawa.

Napa ayos ng upo si Gwen sabay langhap ng hangin.

Kinain lang ng virus ang unang vaccine na ginawa nila.

"Hindi gumana, Sej" mahinang ani ni Gwen, bakas ang dismaya sa boses nya. Nilapag ni Sejun ang ballpen nya sabay tingin sa girlfriend nya.

"Gwen, relax. Trial and error tayo diba?" Mahinang ani ni Sejun para kumalma si Gwen. Pinadaan ni Gwen ang mga daliri nya sa buhok nya at napa pikit.

"Tama tama, hindi tayo nag mamadali" bulong nito kaya napangiti narin si Sejun.

"Tapos alam mo ba? Pina-gitara ko ng despacito si Ken!" Ani ni Josh sabay tawa. Napatingin naman ang dalawa kala Yanna na kakapasok lang sa kwarto.

"Bakit hindi pa kayo natutulog?" Tanong ni Yanna at naupo sa kama nila ni Josh, nahiga naman si Josh sa kama.

"May ginagawa pa kami" sagot ni Gwen, kaya napailing si Yanna.

"May bukas pa, bukas nyo na gawin yan. Ikalma nyo mga utak nyo" saad ni Yanna, dumapa naman si Josh at tumingin narin sa dalawa.

"Sige kayo nyan, mauubos brain cells nyo tapos wala na kayong ipapamana sa mga anak nyo" biro ni Josh, tumawa naman si Yanna at Sejun habang si Gwen ay namula.

Basta mga ganyang usapan hindi nya talaga ma-take. Namumula sya sa tuwing naiisip na magkakapamilya sila ni Sejun.

"Okey, okey! Matutulog na tayo" ani ni Sejun kaya nabalik sya sa wisyo. Tumayo naman si Sejun sabay unat—sumunod narin si Gwen sakanya.

Sa oras na nag tama ang likod nilang dalawa sa kama agad silang napapikit at na relax. Kanina pa kasi sila naka upo doon at ginagana ang utak nila.

Huminga ng malalim si Sejun at sinasamsam ang pakiramdam. Napangiti naman si Yanna nung makita nyang halos agad na nakatulog ang dalawa.

"Patay mo na ang ilaw, Josh" bulong ni Yanna, lumingon pa si Josh sakanya at tiningnan sya ng ilang segundo.

Josh, kalma. Nahahawa ka nanaman sa dumi ng utak ni Ken.

"Ah, okey" ani nya at tumayo sabay patay sa ilaw at bumalik sa kama.

Agad naman syang niyakap ni Yanna sa oras na nahiga na sya.

"Hindi ka lang naman nag bihis alam mo yon?" Ani ni Yanna, tumawa naman si Josh.

"tinatamad na ako" sagot nya, niyakap sya ng mahigpit ni Yanna at ganoon rin sya. Nanatiling bukas yung bintana sa silid nila na nag bibigay ng konting liwanag na galing sa buwan at isang malamig na simoy ng gabi.

Sinubsob ni Yanna nag muka nya sa dibdib ni Josh at komportableng ni-pwesto ang kamay nya sa bewang nito.

Dahan dahan naring napapikit si Josh—ngayon lang sya tinamaan ng pagod. Parang bigla syang sinipa nito.

Aksidente namang nasagi ng kamay ni Yanna yung back pocket ni Josh at may naramdaman syang kung ano doon—parang pakete ng kung ano.

Nag tama ang dalawang kilay ni Yanna at tumingin sa muka ni Josh na mukang unti-unti ng napupunta sa dream land nya. Dahan dahan na pinasok ni Yanna yung kamay nya sa bulsa para kunin kung ano man yung nandoon.

Pagkain ba to? Candy? Bubble gum?

Nung nakuha nya to agad nyang inangat ang kamay nya at tinapat ito sa liwanag ng buwan upang makita kung ano ang mistoryosong pakete.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Kde žijí příběhy. Začni objevovat