LOVE ME

264 9 25
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Walang nag salita sakanila at tahimik na nakaupo sa isang lamesa. Asan nga ba sila?

Well, nasa jollibee sila. Naisipan nilang magpunta sa mall ngayon dahil andito narin sila sa sentro, kukuha na sila ng mga kailangan nila dito para supply nalang ng pagkain ang pro-problemahin nila.

Teka, bakit sila nasa Jollibee? Ah, kasi ito agad yung unang fastfood na makikita mo pag pasok sa mall.

Umiwas-iwas lang ng tingin sila Gwen, Weedad at Khayla habang si Ira naman ay nakatulala sa labas.

Nakasandal naman si Josh sa dingding at nakatulala rin. Sobrang awkward na ng atmosphere nila, mukang walang may lakas ng loob ang bumasag nito.

Ikaw naman kasi, pag nahuli ka ba ng limang lalake na walang suot na damit pang-itaas tapos ang malala pa hawak hawak mo pa ang dibdib ng kasama mo magiging okey ka ba?

syempre hindi.

Alam mo yung parang biglang nawala ang dangal mo sa sarili mo.

Napa-buga naman ng hangin si Ken sabay lagay ng siko nya sa lamesa na na nasa harap nya at pinatong ang pisngi nya sa palad nya.

bagot na bagot na sya.

"Guys, move on na kayo. Hindi naman big deal yon. Normal lang naman yun ganoon" saad ni Ken, napatingin naman si Justin sakanya.

"Normal palang mag hawakan ng dibdib ang mga babae?" Biglang tanong ni Justin, doon na nabalik sa wisyo si Weedad at sinapak ng malakas ang likod ng ulo ni Justin.

Mas lalo namang nahiya si Gwen sa sinabi ni Justin kaya napa sandal sya sa upuan nya at napa-takip ng muka nya.

Nahihiya sya kasi, nakita lang naman ni Sejun ang katawan nya—lalo na't nakita rin ito nila Josh.

Myyyghhaaaaadddd!!!!! Lupa kainin mo na ako!

"Wala naman kaso saakin yun" ani ni Ira pero nanatili parin ang tingin sa labas. Tinitingnan nya yung isang infected na palakad-lakad na parang tanga sa labas.

Napa-cross arms naman si Khayla at tiningnan si Ira.

"yeah, sanay ka kasi" bulong nya at napatingin sa paligid ng jollibee.

Sobrang gulo na dito, may mga lamesa na natumba at lalo na mga upuan. Dagdag mo pa yung plato na nakakalat sa sahig at lalo na yung mga pagkain na nasa lamesa lang—halos tumigas na nga to.

"Tanda ko pa nung dati, lagi akong kumakain sa jolibee" ani ni Josh sabay tingin sa paligid, napangiti naman si Yanna nung naalala nya ang mga araw na yon.

Nung nanliligaw palang si Josh sakanya lagi silang kumakain sa jollibee.

Wag kayo sa mcdo kumain, di kayo mag tatagal. 

"Oo, lagi mo nga ako nililibre eh" ani nya sabay ngiti kay Josh, napatawa naman ng marahan ang lalake nung naalala nya ang mga araw na yon.

Napangiti nalang din si Sejun at Justin.

Maswerte to sila Josh at Yanna dahil naranasan pa nila maging normal na couple. Yung tipong, labas doon, date dito tapos mga pa-regalo at yung kaba pag na-meet ang magulang. Lalo na yung hatid sunod sa school. Sila kasi hindi nila naranasan dahil saka lang sila nagka-jowa nung nag outbreak na.

Imbis na kaba sa magulang naging kaba sa mga infected ang naranasan nila.

Tumayo naman si Stell sabay tingin si paligid kaya tiningnan lang sya ng mga kasama nya na nakaupo.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now