READY?

364 12 86
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Tahimik na nakatingin si Khayla sa kawalan. Andito sya ngayon sa porch ng treehouse nila nag iisip ng malalim.

Iniisip nya kung anong pumasok sa utak nya at hinayaan nyang lumaban sina Yanna at Ira. Masyado na kasing nablanko ang utak nya sa mga panahon na yon at tama rin ang sinabi ni Yanna na masyado pa syang bata para matapos ang buhay nya.

"damn, gusto ni Yanna na magkatuluyan pa kami ni Stell kaya nya ako hindi pinalaban pero mukang malabo na ata yon" mahina nyang ani sabay buga ng hangin.

"Malabo ang ano?" Bigla may nag salita, agad namang napalingon si Khayla at halos atakihin sya sa puso nung nakita nya si Stell.

Agad na namula ang muka nya nung natandaan ang sinabi nya.

Shet! Narinig nya ba ang sinabi ko?!

"G-gaano ka na katagal dyan?" Tanong nya sa lalake, lumapit naman si Stell sa tabi nya at tumingin rin sa kawalan.

"Bago lang mga 3 seconds ago" sagot nito, medyo nakahinga naman ng maayos si Khayla.

"So, ano yung malabo?" Tanong ulit ni Stell, natigilan naman si Khayla. Mukang napansin ni Stell ang reaksyon ng babae kaya napatawa sya ng mahina. Humupa naman ang tawa nya at dahan dahan na bumalik sa awkward ang atmosphere ng dalawa.

Napakamot ng ulo si Stell.

May dapat talaga syang sabihin kay Khayla kaso hindi nya alam paano simula. Gusto nya kasi sana na iayos o pag usapan yung nangyari sa mall. Alam nyang magulo mga utak nila non at ayaw nya namang iba ang isipin ni Khayla sakanya.

"Um, Khayla.." mahina nyang tawag, napatingin naman mg bahagya si Khayla sakanya.

Huminga ng malalim si Stell, nag aantay ng tama tyempo.

"Yung tungkol nga pala sa mall..."

Agad namang namula si Khayla nung naalala nya.

Hindi nya alam bakit ang wild nya non. Sinapian ata sya ng nag kalahating Ken at kalahating Ira.

"A-ano?" Mahina nyang sagot kay Stell at tumingin sa ibang dereksyon.

"May napagtanto ako.."

"Ano yun?"

Napalunok naman si Stell, hindi nya talaga alam paano nya sa sasabihin.

Matapos yung nangyari sakanila ni Khayla dun sa mall, agad na napaisip si Stell at inalala ang mga sinabi ng babae sakanya.

"wala na pala talaga akong pag asa kay Gwen" ani nya, tiningnan lang sya ni Khayla na parang nag sasabi na 'wow, ngayon mo lang na-realize?'

"At......wala na pala talaga akong gusto kay Gwen"

Natigilan naman si Khayla at yung muka nyang kanina ay parang hinuhusgahan si Stell ay napalitan na ng pag tataka.

"Oo, gusto ko sya dati pero nung naging sila ni Sejun nawala ata ng hindi ko namalayan. Masyado ata akong nasanay o nakulong sa katotohanan na gusto ko sya kaya yun ang pinaniwalaan. Parang nakakulong ako sa isang kulungan na bukas naman at ako lang mismo ang ayaw lumabas" paliwanag nya.

Parang may bumukas na kakaiba kay Stell nung nag usap sila ni Khayla sa mall. Tandang tanda na nya pa ang mga mata nito nung umiiyak ito at nag mamakaawa na mahalin sya. Doon palang may naramdaman na si Stell ngunit mas minabuti nya tong isa walang bahala.

Ngayon lang sya naliwanagan.

Kung bakit ang hilig nyang asarin yung babae at gusto gusto nya tong laging pinipilit na mag luto kasama nya. Pa

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon