MAGBALIK

228 7 13
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Nakatulala si Ken at Josh ngayon dito sa sofa. Patay na ang lahat ng ilaw at sila nalang ang naiwan sa labas. Hindi naman kasi pwede matulog si Ken sa kwarto nila ni Ira dahil andoon si Yanna at Ira kaya nasa sofa sya. Sinamahan na rin sya ni Josh dahil wala namang rason si Josh na matulog sa kama nila ni Yanna dahil hindi nya katabi ito. Mas mabuti at damayan nya nalang tong si Ken.

"Dre, alam mo lahat ng love story dito tapos kami hindi namin alam ang sainyo ni Yanna" biglang ani ni Ken at humiga sa sofa, napangiti naman si Josh.

Mukang kakausapin sya ni Ken tungkol sa mga ganito para kahit papano lumuwag ang pakiramdam nya.

Napasandal naman si Josh sa sofa at tumingin sa kisame nila.

Lahat ng journey ng mga tao dito sa relasyon nila ay alam nya. Saksi sya sa lahat. Nag simula lang bilang isang stranghero hanggang sa naging magkaibigan at nauwi sa pagmamahalan. Masayang makakita ng ganoon para kay Josh.

Huminga sya ng malalim at hindi maiwasan mapangiti.

"Nag simula ang lahat nung isang gabi, meron akong nakita na babae na binabastos. Tutulungan ko sana pero mukang mas kailangan ata ng tulong nung nangbastos" tawa nya, nag tama naman ang dalawang kilay ni Ken at lumingon kay Josh.

"Si Yanna yun diba?" Tanong ni Ken, tumungo naman si Josh.

"It turns out na black belter pala yung binabastos ng gago na yon. Tawang tawa talaga ako sa tuwing naalala ko yun"

Napatawa naman din ng mahina si Ken. Sa lahat ba naman ng bastusin mo yung taekwondo black belter pa.

"Doon kami unang nagkakilala ni Yanna. Amaze na amaze ako sakanya nun pakiramdam ko love at first sight. Bihira ka lang kasi makakita ng ganoon. Wala ng paliguyliguy kinausap ko sya hanggang sa nagka-mabutihan kami at binigay nya Facebook account nya saakin"

"Doon kami nag usap at naging close na magkaibigan hanggang sa niligawan ko na sya. Legal kami, dumaan pa ako sa magulang nya dahil hindi ako yung klase ng lalake na nag tatago ng relasyon" dagdag nya. Kita sa mga mata ni Josh talagang masayang alaal ito sakanya.

Sa isang relasyon, talagang importante kung paano kayo nagkakilala. Doon kasi ang simula ang lahat, hindi nyo rin aakalain na ang taong nakilala mo sa araw na yon ay ang taong magpapasaya at ko-kompleto sa buhay mo.

"sanaol, normal ang takbo ng relasyon" ani ni Ken, napatingin naman si Josh sakanya.

Hindi lang naman kasi naranasan ni Ken at Ira ang normal na relasyon. Well, lahat naman sila dito maliban kah Josh at Yanna.

Hindi nila naranasan yung mag date, lumabas at humarap sa magulang.

"Kayo Ken, curious ako"

Nag tama naman ang dalawang kilay ni Ken.

"Saan?"

"Lahat naman kami curious. Ano ang takbo ng utak nyong dalawa, minsan kasi hindi namin kayo maintindihan"

Simula palang mahirap ng basahin ang dalawa. Masasabi mo na compatible sila na parang hindi.

"Ano naman ang ika-curious mo saamin?"

"Paano mo sya nagustuhan? Nag usap tayo dati tungkol sa nararamdaman mo diba?" Seryosong tanong ni Josh. Alam ni Josu na hindi love at first sight ang naramdaman ni Ken sa babae. May pinag mulan pa ito bago sya tuluyang nahulog. Hindi naman kasi lahat ng lalake ganoon, may mga pagkakataon na nauunahan sila ng atraksyon sa labas na anyo.

Huminga ng malalim si Ken.

Alam nya kung ano yun, nahihiya lang sya sa sarili nya bakit sya ganoon dati.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now