NOSEBLEED

312 13 26
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

Agad na napatingin sina Gwen sa bintana ng treehouse nung narinig nila ang tunog ng Humvee.

"Andito na sila!" Masayang ani ni Khayla habang naka tingin sa bintana. Agad namang tumakbo palabas ng kwarto si Yanna.

Naninigurado lang sya na kompleto silang umuwi. Alam nya kasi yung risk sa tuwing umaalis sila Josh para kumuha ng supplies nila. Hindi mo alam kung uuwi ba silang kompleto o mas malala kung uuwi pa ba.

Kahit nasanay na ang mga to makipag laban andoon parin yun kaba.

Bumukas naman ang pinto at isang naka ngiti na Sejun at sumalubong sa kanila. Dala dala nya yung malaking plastic na lagi nilang dinadala pag kumukuha sila ng supply. Marami itong laman na pagkain. Sumunod naman si Stell at may dala rin sya ganoon din si Justin. Nilapag nila sa sahig ang mga dala nila at agad naman tong tiningnan ni Gwen.

Tumingin si Yanna sa tatlo, tila'y may hinahanap sa paligid-may hinahanap na isang tao. Hindi nya alam pero mukang kinabahan sya nung di nya nakita ang hinahanap nya.

"Asan si Josh..?" Bakas ang kaba nyang tanong, napatingin sina Stell sakanya.

"Yanna, kalma nasa baba lang sya. Paakyat na rin yon" mahinahon na ani ni Stell sabay tapik sa balikat ni Yanna. Naka hinga naman sya ng maayos.

Akala nya kasi mawawala nanaman si Josh sakanya.

Hindi kasi mawala sa utak nya yung nangyari dati nung papunta sila sa mansion nila Weedad. Kahit isang araw lang nawala ito pakiramdam nya sobrang tagal non.

Dumating naman si Josh at agad na nag liwanag ang mga mata ni Yanna nung nakita nya to. Agad syang tumabko papunta kay Josh pero agad syang napa tigil nung nakita nya ang madugong sapatos at pantalon nito. Nag tama ang dalawang kilay ni Yanna at puno ng pag tataka na nakatingin sa paa ni Josh.

"Anong nangyari dyan?" Tanong nya, napa gasp naman si Weedad nung nakita nya.

"Napalaban naman kayo?" Tanong ni Khayla.

"Wala ng bago doon" simpleng saad ni Justin habang inaalis ang mga pagkain sa plastic.

Sa sobrang sanay nila parang wala nalang sakanila pag napapalaban sila.

"Teka...asan si Ken?" Tanong ni Ira, sakto namang pumasok si Ken.

Napatingin sila sakanya na nasa pinto. Kita mo sa muka nito na parang anytime bibigay na sya.

Agad syang tumakbo kay Ira at niyakap ito na dahilan ng pag urong ni Ira ng konti dahil na bigla sya.

Weird lang na nakatingin ang lahat sakanya.

"Alam mo bang muntik na akong mamatay.." bulong nya, sa oras na lumabas yon sa bibig nya agad silang napa irap.

Wala ng bago dito, sa tuwing umuuwi sila at napapalaban sila laging ganyan si Ken.

Napa irap nalang si Ira at hinimas himas ang likod ng binata-lagi na nya ginagawa yan.

Alam mo yung salitang 'Baby in the streets, Daddy in the sheets'. Ganoon si Ken.

"Parang kami ata ni Sejun yung muntik mamatay eh" ani ni Josh sabay alis sa sapatos nyang sobrang daming dugo. Napa ngiwi naman ang iba dahil pati yung sahig nalagyan na ng masangsang na dugo.

"Lilinisan mo yan, Josh Cullen" banta ni Yanna sa boyfriend nya napa kamot nalang ng ulo si Josh. Hindi na sya lalaban dahi baka masipa sya wala sa oras ni Yanna.

Sa kanya lagi ginagamit yang taekwondo skills nya. Buti nga di ginamit ni Josh ang shooting skills nya kay Yanna-teka... shooting skills...de joke.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon